"NAKITA mo si Lia?" hindi makapaniwalang tanong ni Anastasia, kay Calton nang ikwento niya ang nangyari noong nakaraang gabi kung saan kahit man siya ay hindi makapaniwala na nakita niya ang asawa kagabi. Mariin niyang hinilamos ang mukha at naupo sa mahabang sofa, isinandal ang ulo sa headrest at pagkatapos ay pumikit. Kahit hindi niya tanungin, alam niyang ito ang asawa niyang nawala four years ago. Ayun nga lang ibang-iba na ito kumpara sa dati. "How did you met her? I mean, papaano?" si Anastasia. "Are you sure she is your wife?" tanong naman ni Levi. Nagmulat siya ng mga mata at itinuon sa kisame ang tingin. "I know it's hard to believe, pero siguradong sigurado ako na Lia ang kaharap ko kagabi," aniya. Ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay tila hirap siyang sabihin. Dah

