MAARTE na bumaba mula sa sasakyan si Monday tsaka seksi na naglakad papasok sa loob ng venue kung saan gaganapin ang malaking wine fair sa bansa. Maraming mga CEO ang nandito para sa event na 'to. Ang suot niyang silk red dress na humahapit sa kanyang balingkinitang katawan at sumasabay sa bawat galat ng kanyang katawan. Sa bawat hakbang niya ay lumalantad ang perpektong hugis at puti ng hita niya. Ang perpekto niyang katawan at ganda ay nagbibigay atensyon sa mga kalalakihang nandoon sa event na 'yon na ikatutuwa niya. Pero inaamin niya sa sarili na meron siyang inaabangan na makita sa mga oras na iyon, iyon ay ang estrangherong lalaki na naging dahilan para mapurnada ang misyon niya. Pagkapasok niya sa venue agad siyang sinalubong ng lamig ng kwarto. Inilibot niya ang mga mata tsaka n

