CHAPTER-6[CRUSH TO LOVERS]

2877 Words
CHAPTER-6 Sa unang linggo matapos ipanganak si Baby Liel, abala sina Liam at Elise sa pag-aalaga rito. Sa kabila ng puyat at pagod, hindi matanggal ang ngiti sa labi ni Liam habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ina. “Love, tingnan mo siya, kamukhang-kamukha mo,” bulong ni Elise habang hinahaplos ang pisngi ni Baby Liel. Napatawa si Liam. “Sigurado ka? Sabi ng lahat, ikaw ang nakuha niyang itsura.” “Pero mana siya sa’yo sa pagiging makulit,” Elise teased, habang nakatitig sa kanilang anak na panay ang paggalaw kahit natutulog. Sa sandaling iyon, napagtanto nilang ang buhay nila bilang mag-asawa ay mas magiging makulay sa pagdating ni Liel. Naging challenge kay Elise ang pagpapatulog kay Liel, lalo na’t madaling magising ang bata sa kahit anong ingay. “Liam, ikaw naman magpatulog. Hindi ko na kaya,” reklamo niya habang idinuduyan si Liel. “Game! Ako nang bahala dito,” sabi ni Liam sabay akay sa anak. “Baby, matulog ka na, please? Para hindi na mapagod si Mommy?” Pero imbes na matulog, lalo pang dumilat si Liel at ngumiti kay Liam. “Naku, nagmana sa’yo sa pagiging pilyo!” natatawang sabi ni Elise. Isang hapon, habang abala si Elise sa pagliligpit ng mga gamit ni Liel, bigla siyang nakarinig ng maliit na tinig. “Dada.” Napalingon siya kay Liel na nakaupo sa crib, nakatingin kay Liam na abala sa laptop. “Liam! Liam! Narinig mo ba ‘yun?” excited na sigaw ni Elise. “Ano? Anong nangyari?” tanong ni Liam, nagmamadaling lumapit. “Si Liel! Sinabi niyang ‘Dada’!” Nanlaki ang mata ni Liam. “Baby, sabihin mo ulit, please?” Ngunit ngumiti lang si Liel at kumindat, tila ba nang-aasar Dumating ang unang kaarawan ni Liel, at naghanda sina Liam at Elise ng isang munting salu-salo kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan. Habang hinihipan ni Liel ang kandila sa kanyang cake, masaya silang nakatingin kay Elise. “Parang kailan lang, baby ka pa,” bulong ni Elise. Hinawakan ni Liam ang kamay ni Elise. “At kahit lumaki siya, lagi tayong nandito para sa kanya.” Isang gabi, habang nanonood ng TV sina Liam at Elise, biglang tumayo si Liel mula sa kanyang playpen. “Love! Tingnan mo ‘to!” bulalas ni Liam. Napalingon si Elise at nakita nilang dahan-dahang naglakad si Liel papunta kay Liam. “Baby, ang galing mo!” sigaw ni Elise, agad na kinuha ang cellphone para i-video ang sandaling iyon. Laking tuwa nilang dalawa nang mahawakan ni Liel ang kamay ni Liam bago bumagsak sa sahig Isang araw, biglang nagkaroon ng lagnat si Liel. Hindi mapakali si Elise habang nakahiga ang bata sa kanyang dibdib. “Love, dapat na ba nating dalhin sa ospital?” nag-aalalang tanong ni Liam. “Kapag hindi bumaba ang lagnat niya mamayang gabi, oo,” sagot ni Elise, hinahaplos ang noo ni Liel. Gabi na nang unti-unting bumaba ang lagnat ni Liel. Nakaalalay lang sina Liam at Elise, pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog. “Ang hirap pala maging magulang,” bulong ni Elise. “Pero sulit lahat para sa kanya,” sagot ni Liam, hinalikan ang noo ng asawa. Habang lumalaki si Liel, nagsimula na silang mangarap para sa kanya. “Gusto mo bang maging basketball player si Liel?” tanong ni Elise habang pinapanood ang kanilang anak na naglalaro ng bola. “Hmmm... depende sa kanya. Basta kung anong gusto niya, susuportahan natin,” sagot ni Liam. “Tama. Basta masaya siya, masaya na rin tayo.” Unang araw ng pasukan ni Liel, at abala sina Elise sa paghahanda sa kanya. “Baby, excited ka ba?” tanong ni Elise. Tumango si Liel. “Opo, Mommy!” Ngunit pagdating sa school, biglang nangapit si Liel kay Elise. “Mommy, ‘wag mo akong iwan.” Napatawa si Liam. “Baby, babalikan ka namin mamaya, promise.” Dahan-dahan namang bumitiw si Liel at tumakbo papasok sa loob ng classroom. “Parang kahapon lang, baby pa siya,” bulong ni Elise. Hinawakan ni Liam ang kamay niya. “At sa bawat hakbang niya, nandito lang tayo sa tabi niya.” Isang araw, umuwi si Liel na may tampo kay Liam. “Daddy, hindi mo ako pinanood kanina sa school play ko,” malungkot niyang sabi. Napakamot ng ulo si Liam. “Baby, sorry. May emergency lang sa trabaho.” Napangiti si Elise. “Sabi ko na nga ba, dapat humingi ka ng pasensya sa kanya.” Lumapit si Liam kay Liel at niyakap ito. “Baby, babawi si Daddy. Ano gusto mong gawin natin bukas?” “Gusto ko maglaro tayo buong araw!” sagot ni Liel. “Sige, deal!” sagot ni Liam, at agad napawi ang tampo ni Liel. Habang natutulog si Liel, magkatabing nakaupo sina Liam at Elise sa may bintana, pinagmamasdan ang bituin sa langit. “Love, ang saya ng buhay natin ngayon, ano?” tanong ni Elise. “Dahil sa inyo ni Liel, wala na akong mahihiling pa,” sagot ni Liam, hinila si Elise palapit at hinalikan ito sa noo. Sa gabing iyon, napagtanto nilang ang pagmamahal nila ang bumuo sa masayang pamilya nilang tatlo. Habang natutulog si Liel sa kanyang kama, magkatabing nakaupo sina Liam at Elise sa sofa, nag-uusap tungkol sa kanilang pamilya. “Love, iniisip ko… ano kayang future ni Liel?” tanong ni Elise habang nakasandal sa balikat ni Liam. “Baka maging scientist siya tulad mo,” biro ni Liam. “Pwede rin namang maging musician tulad mo,” balik ni Elise. Napangiti si Liam. “Basta anuman ang gusto niya, susuportahan natin.” Nagkasundo silang gawing prioridad ang pagpapalaki kay Liel na may malayang pangarap at pagmamahal mula sa kanila. Dumating sina Jake at Mia sa bahay nina Liam para dalawin si Liel. “Tito Jake! Tita Mia!” sigaw ni Liel habang patakbong lumapit sa kanila. “Aba, ang laki mo na!” sabi ni Mia, sabay yakap sa bata. “Parang kailan lang, hawak-hawak ka lang namin sa ospital,” sabi ni Jake. Natuwa si Elise sa muling pagkikita nilang magkakaibigan. Sa loob ng maraming taon, nanatili silang matatag sa isa’t isa. Napagdesisyunan nina Liam at Elise na magbakasyon sa isang beach resort kasama si Liel. “Wow! Ang daming tubig, Daddy!” excited na sigaw ni Liel habang nakatingin sa dagat. “Huwag kang masyadong lalayo, ha?” bilin ni Elise. Habang naglalaro sa buhangin si Liel, masaya namang naglalakad sina Liam at Elise sa tabing-dagat, pinagmamasdan ang anak nila. “Love, ito na yata ang pinakamasayang bakasyon natin,” sabi ni Elise. “Oo, kasi kasama natin ang buong mundo natin—si Liel,” sagot ni Liam. Sumali si Liel sa isang school basketball game. Excited siyang pinanood nina Liam at Elise mula sa audience. “Kaya mo ‘yan, baby!” sigaw ni Elise. Nang maka-shoot si Liel ng bola, napatalon si Liam sa tuwa. “Yes! Ang galing mo, anak!” Nang matapos ang laro, agad na tumakbo si Liel papunta sa kanila. “Daddy, Mommy! Nanalo kami!” “Proud na proud kami sa’yo,” sabi ni Elise, hinahalikan ang noo ni Liel. Isang gabi, umuwi si Liel na mukhang malungkot. “Baby, anong problema?” tanong ni Elise. “Mommy, Daddy… yung best friend ko, hindi na raw niya ako friend,” nalulungkot na sagot ni Liel. Lumapit si Liam at hinawakan ang balikat ng anak. “Ganun talaga minsan, baby. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi ka na niya mahalaga.” Pinunasan ni Elise ang luha ng anak. “Bukas, baka magkabati rin kayo.” Niyakap ni Liel ang kanyang mga magulang, ramdam ang pagmamahal at suporta mula sa kanila. Habang nag-aayos ng gamit si Elise, may nakita siyang maliit na papel sa ilalim ng unan ni Liel. “Love letter?” tanong ni Liam nang makita ito. Natawa si Elise. “Mukhang may crush na si Baby Liel natin.” Kinagabihan, kinausap nila si Liel. “Baby, may gusto ka na ba?” tanong ni Elise. Biglang namula si Liel. “Secret po!” Nagtinginan sina Liam at Elise bago natawa. “Mukhang nagmana sa’yo, Liam,” biro ni Elise. Isang araw, nagdesisyon si Liam na turuan si Liel ng gitara. “Daddy, mahirap pala ‘to!” reklamo ni Liel habang hawak ang maliit na gitara. “Walang madali sa simula, baby,” sagot ni Liam. “Pero kung magpapractice ka, matututo ka rin.” Matyagang tinuruan ni Liam ang anak. Sa huli, nakabuo si Liel ng isang simpleng tono. “Wow! Ang galing mo, baby!” tuwang-tuwang sabi ni Elise. Napagdesisyunan nina Liam at Elise na magkaroon ng movie night kasama si Liel. “Anong gusto mong panoorin, baby?” tanong ni Elise. “Yung maraming action!” sagot ni Liel. Habang nanonood, napansin nilang nakatulog na si Liel sa kandungan ni Elise. “Love, ang bilis niyang lumaki,” bulong ni Liam. Ngumiti si Elise at hinawakan ang kamay ni Liam. “Pero kahit gaano pa siya lumaki, baby pa rin natin siya.” Sa kaarawan ni Elise, may inihandang regalo si Liel para sa kanya—isang simpleng drawing ng kanilang pamilya. “Mommy, ako po gumawa niyan!” proud na sabi ni Liel. Tuwang-tuwa si Elise. “Baby, ang ganda nito! Ang galing mo!” Masayang niyakap siya ni Liel. “Love, mukhang may future artist tayo,” sabi ni Liam. Habang natutulog si Liel, magkatabi sina Liam at Elise sa balkonahe, nag-uusap tungkol sa hinaharap. “Love, ano kayang magiging itsura ng buhay natin pag high school na si Liel?” tanong ni Elise. “Siguro, mas madaming adventures, mas maraming memories,” sagot ni Liam. Napangiti si Elise at sumandal sa kanya. “Basta magkasama tayong tatlo, sigurado akong magiging masaya tayo.” At sa ilalim ng mga bituin, nagpatuloy ang pagmamahal at pangarap ng isang masayang pamilya. Maagang gumising si Elise para ihanda ang uniporme ni Liel. Excited at kinakabahan ang anak nila sa unang araw niya sa high school. “Baby, ready ka na?” tanong ni Elise habang inaayos ang kwelyo ng polo ni Liel. “Opo, Mommy! Pero kinakabahan ako,” sagot ni Liel. Napangiti si Liam at ginulo ang buhok ng anak. “Normal lang ‘yan, baby. Pero tandaan mo, kaya mo ‘yan. Just be yourself.” Ngumiti si Liel. “Salamat, Daddy! I’ll do my best!” Sa loob ng classroom, naupo si Liel sa isang bakanteng upuan. Ilang sandali lang, may lumapit sa kanya. “Hi! Ako nga pala si Ava. Ikaw?” tanong ng isang babae na may mahabang buhok. Nagulat si Liel pero agad din siyang ngumiti. “Liel po.” “Baguhan ka rin?” “Oo.” Ngumiti si Ava. “Maging magkaibigan tayo, ha?” Napangiti si Liel. Sa unang araw pa lang niya, may nahanap na siyang kaibigan. Habang lumilipas ang mga araw, naging malapit sina Liel at Ava. Lagi silang magkasama sa lunch break at school projects. Isang araw, napansin ni Liel na may ibang lalaking lumalapit kay Ava—si Marcus, isang sikat na athlete sa school. “Ava, gusto mo bang sumama sa amin mamaya?” tanong ni Marcus. Tumingin si Ava kay Liel. “Liel, okay lang ba?” Biglang kumunot ang noo ni Liel. “Ikaw… bahala ka.” Habang umaalis si Ava kasama si Marcus, hindi mapigilan ni Liel ang inis. Naging tahimik si Liel kinabukasan. Napansin ito ni Ava kaya nilapitan siya. “Liel, may problema ba?” tanong ni Ava. Umiling si Liel. “Wala.” Pero hindi siya pinayagan ni Ava na umiwas. “Liel, sabihin mo nga. Bakit ang sungit mo lately?” Tumingin si Liel sa kanya. “Kasi… hindi ko gusto na may ibang lalapit sa’yo.” Nanlaki ang mata ni Ava. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” “Gusto kita, Ava,” diretsong sabi ni Liel. Hindi agad nakasagot si Ava. Naramdaman niyang bumilis ang t***k ng puso niya. Kinabukasan, iniiwasan ni Ava si Liel. “Bakit parang umiiwas ka?” tanong ni Liel nang magtagpo sila sa library. Hindi agad nakasagot si Ava. “Liel… hindi ko alam ang isasagot ko.” Napayuko si Liel. “Ayos lang. Hindi kita pipilitin.” Hinawakan ni Ava ang kamay niya. “Hindi sa ayoko. Natatakot lang akong magbago ang lahat.” Napatingin si Liel sa kanya. “Hindi magbabago. Kasi seryoso ako sa’yo.” Napapayag ni Liel si Ava na lumabas sila para mag-bonding. “Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Ava. “Secret,” sagot ni Liel habang nakangiti. Dinala niya si Ava sa isang amusement park. Habang naglalakad, hindi sinasadyang nagdikit ang mga kamay nila. Pareho silang napatingin sa isa’t isa, pero walang umangal. Sa huli, magkahawak-kamay silang naglakad sa loob ng park. Isang araw, nahuli ni Liel si Marcus na inaaya si Ava lumabas. “Ava, tara! Manood tayo ng sine,” yaya ni Marcus. “I’m sorry, Marcus. May kasama na akong iba,” sagot ni Ava. Nakita ito ni Liel at napangiti. Pero nang lumapit siya kay Ava, biglang nagsalita ang dalaga. “Liel, sana hindi mo ako binibigyan ng pressure.” Nagulat si Liel. “Pressure?” “Oo. Parang lagi kang may gusto akong gawin na para lang sa’yo.” Nasaktan si Liel. “Ava, hindi kita pinipilit. Pero gusto ko lang malaman kung ako ba talaga ang gusto mo.” Tumalikod si Ava at iniwan siyang nakatayo roon. Maaliwalas ang umaga, pero may tensyon sa pagitan nina Liel at Ava. "Ano na naman ang iniisip mo?" tanong ni Liel habang sinusubukang hawakan ang kamay ni Ava. Umiling si Ava. "Wala lang, parang napansin ko lang na may ibang mga babae na lumalapit sa’yo sa campus." Napakunot-noo si Liel. "At ano naman ngayon? Hindi ko naman sila pinapansin." "Alam ko," buntong-hininga ni Ava, "pero minsan, natatakot akong baka may ibang magustuhan ka." Hinawakan ni Liel ang magkabilang pisngi ni Ava. "Ikaw lang ang mahal ko. Tandaan mo ‘yan." Napayuko si Ava, kinikilig ngunit may natitira pa ring kaba sa kanyang puso. Habang naglalakad si Ava sa campus, may biglang tumawag sa kanya. "Ava!" Lumingon siya at nanlaki ang mata. "Noah?" Ang ex-crush niyang si Noah ay nakatayo sa harapan niya, nakangiti. "Long time no see," sabi ni Noah. "Kumusta ka na?" "Okay lang…" sagot ni Ava, hindi sigurado kung anong dapat maramdaman. Napansin ni Noah ang pag-aalangan niya. "Wala akong ibang intensyon. Gusto ko lang makipagkaibigan ulit." Nag-aalinlangan si Ava. Hindi kaya ito magdudulot ng problema sa kanila ni Liel? Hindi pinalampas ni Liel ang nakita niyang eksena sa pagitan nina Ava at Noah. "Sino ‘yung lalaki?" malamig niyang tanong habang naglalakad sila pauwi. Si Ava naman ay nag-aalangan kung paano ipapaliwanag. "Si Noah… kaibigan ko dati." "Kaibigan?" tumawa si Liel nang mapakla. "Mukha namang hindi lang ‘yon ang gusto niya." Napairap si Ava. "Liel, wala akong balak lokohin ka, okay?" Tumahimik si Liel. Alam niyang hindi patas ang pagseselos niya, pero hindi niya rin mapigilang mapraning. Kinabukasan, habang nasa cafeteria si Ava, lumapit ulit si Noah. "May gusto sana akong itanong," sabi niya. "Ano ‘yon?" "Gusto mo bang lumabas minsan? Bilang magkakaibigan lang, siyempre." Hindi agad nakasagot si Ava. Alam niyang hindi ito magugustuhan ni Liel. Pero bago pa siya makasagot, biglang may sumingit sa usapan. "Hindi siya pwede," malamig na boses ni Liel. Lumingon si Ava at napangiwi sa seryosong ekspresyon ng nobyo niya. Noah smirked. "Ah, boyfriend ka pala?" "Oo, at ayokong may ibang umaaligid sa kanya," sagot ni Liel. Pagkauwi, hindi naiwasan ni Ava ang tensyon sa pagitan nila ni Liel. "Bakit ka galit?" tanong ni Ava. "Sa tingin mo?" tumawa si Liel nang mapait. "Alam mong hindi ko gusto ‘yung lalaking ‘yon, pero parang gusto mo pa siyang makipagkaibigan sa’yo." "Bakit mo ba iniisip na may gusto ako sa kanya?" bumuntong-hininga si Ava. "Tiwala naman ako sa’yo, pero parang ikaw, wala kang tiwala sa akin." Natigilan si Liel. Hindi niya intensyon na iparamdam kay Ava na wala siyang tiwala rito. Kinabukasan, si Liel naman ang lumapit kay Ava. "Ava," seryoso niyang sabi, "hindi ako galit sa’yo. Natatakot lang akong mawala ka." Napatingin si Ava sa kanya. "Nakita ko kung paano mo siya tingnan noon, at hindi ko maiwasang matakot na baka bumalik ‘yon." Huminga nang malalim si Ava. "Ikaw ang mahal ko, hindi si Noah." Nagkatinginan sila, at doon napagtanto ni Liel kung gaano siya ka-tanga para pagdudahan si Ava. Akala ni Ava ay magiging mas maayos na ang lahat, pero isang araw, nakatanggap siya ng tawag mula sa hindi inaasahang tao. "Ava, anak…" Nanlaki ang mata niya. "Papa?" Matagal nang hindi nagpapakita ang ama niya mula nang iwanan silang mag-ina. "Bakit ka tumawag?" malamig niyang tanong. Gumalaw ang linya. "Dahil gusto kitang makita." Hindi alam ni Ava kung matutuwa siya o matatakot. Nagkita sina Ava at ang kanyang ama sa isang restaurant. "Ava, gusto kitang makasama ulit," sabi ng ama niya. "Gusto kong bumawi sa ‘yo." Nakangiting pilit si Ava. "Matagal kang nawala, Papa. Bakit ngayon lang?" Napayuko ang ama niya. "Dahil noon, hindi pa ako handa. Pero ngayon, handa na akong bumawi sa’yo." Hindi alam ni Ava kung maniniwala siya. At paano niya ipapaliwanag ito kay Liel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD