LAST CHAPTER-CRUSH TO LOVERS

1243 Words
Matapos ang ilang buwang pananahimik, bumalik si Ava sa lugar kung saan nagsimula ang lahat—ang coffee shop kung saan unang nagkita ang landas nila ni Liel. Nang pumasok siya, napansin niyang nandoon din si Liel, nakaupo sa kanilang paboritong pwesto. Hindi siya napansin nito agad, kaya umupo siya sa tapat nito at mahina ngunit may halong kaba na bumulong, "Liel…" Napatingin si Liel sa kanya, halatang nagulat. "Ava?" Ngumiti si Ava, kahit hindi niya alam kung tatanggapin pa siya nito. "Pwede ba kitang makausap?" Hindi umimik si Liel ng ilang segundo. Pero sa huli, tumango ito. Nag-usap sila ng mahaba, inalala ang mga bagay na nangyari noong lumayo si Ava. "Umalis ako hindi dahil gusto kong lumayo sa’yo," paliwanag ni Ava. "Kundi dahil kailangan kong ayusin ang sarili ko." Napabuntong-hininga si Liel. "At ngayon? Ayos ka na ba?" Tumingin si Ava sa kanya. "Ikaw ang bumuo sa akin, Liel. Ngayon lang ako naging buo ulit." Tahimik na tumingin si Liel sa kanya. "Gusto pa kitang makilala ulit, Ava. Pero hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala." Doon natakot si Ava—baka huli na ang lahat. Makalipas ang ilang araw, hindi pa rin maalis ni Liel sa isip si Ava. Kahit pa sinaktan siya nito noon, hindi niya maikakaila na mahal pa rin niya ito. Nang tawagan siya ni Ava at imbitahan sa isang lugar, nagdalawang-isip siya pero pumunta pa rin. Pagdating niya, nakita niyang puno ng fairy lights ang isang maliit na garden. At naroon si Ava, nakatayo sa gitna, may hawak na isang kahon. "Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ni Liel. Binuksan ni Ava ang kahon—isang lumang polaroid camera ang nasa loob. "Naalala mo ba? Dito nagsimula ang lahat. Gusto ko ulit simulan, Liel. Bigyan mo ulit ako ng pagkakataon." Tahimik si Liel. Tumingin si Ava sa kanya, puno ng pag-asa. "Handa ka bang mahalin ako ulit?" Sa ilalim ng mga bituin, unti-unting lumapit si Liel kay Ava. Hindi siya sigurado kung tama ba ang ginagawa niya, pero isang bagay ang malinaw—mahal pa rin niya ito. "Hindi madali ang lahat ng ito, Ava," bulong ni Liel. Tumango si Ava, kita sa mukha ang lungkot. "Alam ko." Pero sa halip na lumayo, hinawakan ni Liel ang kanyang kamay. "Pero gusto kong subukan ulit." Napaluha si Ava sa tuwa. "Talaga?" Ngumiti si Liel. "Simula ulit tayo, Ava." At doon, sa ilalim ng kalangitan, muli nilang binuo ang pagmamahalan Makalipas ang ilang buwan, masaya na ulit sina Liel at Ava. Mas matibay na ang relasyon nila, at mas pinapahalagahan nila ang isa’t isa. Isang gabi, habang nakahiga sila sa damuhan at nakatingin sa langit, biglang nagtanong si Liel. "Ava, sa tingin mo, ano ang hinaharap natin?" Napangiti si Ava at lumingon sa kanya. "Isang masayang buhay." Natawa si Liel. "At paano kung may mga pagsubok ulit?" Hinawakan ni Ava ang kamay niya. "Basta magkasama tayo, kaya nating lampasan ang lahat." At sa gabing iyon, alam nilang wala nang makakapaghiwalay sa kanila. Habang naglalakad si Ava papasok ng bahay, nakita niyang naghihintay si Liel sa may gate. "Kanina pa kita hinihintay," seryoso niyang sabi. "Saan ka galing?" Huminga nang malalim si Ava. "Nakipagkita ako kay Papa." Napakunot-noo si Liel. "Papa mo? Akala ko… wala na siya?" Tumango si Ava. "Matagal na siyang nawala. Ngayon lang siya bumalik." Nag-alangan si Liel. "At ano ang gusto niya?" "Bumawi," mahina ang sagot ni Ava. "Pero hindi ko alam kung dapat ko siyang bigyan ng pagkakataon." Hinawakan ni Liel ang kamay niya. "Anuman ang desisyon mo, susuportahan kita." Ngumiti si Ava. "Salamat, Liel." Ilang araw nang nagkikita sina Ava at ang kanyang ama. Hindi ito natutuwa si Liel, pero hindi rin niya gustong pagbawalan si Ava. "Ava, gusto kitang isama sa ibang bansa," sabi ng ama niya isang araw. Nanlaki ang mata ni Ava. "Anong ibig mong sabihin?" "Alam kong nahirapan ka habang wala ako," malungkot na sabi ng kanyang ama. "Kaya gusto kitang bigyan ng bagong buhay." Napatingin si Ava kay Liel, na tahimik lang sa tabi niya. "At paano si Liel?" tanong niya. Napatingin ang ama niya kay Liel. "Kung talagang mahal ka niya, susunod siya sa’yo." Nagkatitigan sina Ava at Liel. Ito na ba ang magiging wakas nila? Hindi mapakali si Ava buong gabi. Iniisip niya kung dapat ba siyang sumama sa kanyang ama o manatili kay Liel. "Ano ba talaga ang gusto mo?" tanong ni Liel nang puntahan siya nito sa bahay. "Ikaw," sagot ni Ava nang walang pag-aalinlangan. "Pero… gusto ko ring makilala ang Papa ko ulit." Hinawakan ni Liel ang kamay niya. "Kung aalis ka, sasama ako." "Pero ang pamilya mo?" "Ikaw ang pamilya ko," seryoso niyang sagot. Doon napagtanto ni Ava na hindi niya kayang iwan si Liel. Nagkita sina Ava at ang kanyang ama sa isang parke. "Hindi mo na kailangang sumama sa akin," sabi ni Ava. Nalungkot ang kanyang ama. "Sigurado ka?" Tumango si Ava. "Gusto kong bumawi ka, pero hindi ibig sabihin na kailangan kong iwan ang buhay ko rito." Bumuntong-hininga ang kanyang ama. "Naiintindihan ko, anak." Niyakap siya nito, at sa unang pagkakataon, hindi na niya naramdaman ang galit sa puso niya. Isang gabi, habang nakaupo sila sa rooftop, nakatingin sa bituin, biglang bumulong si Liel, "Mahal na mahal kita, Ava." Napatingin si Ava sa kanya, nakangiti. "Mahal din kita, Liel." Unti-unting lumapit si Liel, at sa ilalim ng maliwanag na buwan, nagtagpo ang kanilang mga labi sa isang matamis na halik. Para kay Ava, ito ang pinaka-perpektong sandali sa buhay niya. Habang naglalakad sila sa tabing-dagat isang gabi, biglang huminto si Liel. "Ava," seryoso niyang sabi. Napatingin si Ava sa kanya. "Bakit?" Lumuhod si Liel at inilabas ang isang maliit na kahon. "Ava, gusto kitang makasama habang-buhay. Will you marry me?" Nanlaki ang mata ni Ava, at unti-unting napuno ng luha ang kanyang mga mata. "Oo, Liel! Oo!" sigaw niya habang yumakap dito. Dumating ang araw ng kanilang kasal. Sa harap ng altar, hindi mapigilan ni Ava ang mapaluha habang nakatingin kay Liel. "Nandito tayo ngayon dahil pinili nating magmahalan kahit ano’ng pagsubok," sabi ni Liel sa kanyang wedding vow. "At pipiliin pa rin kitang mahalin sa araw-araw," sagot ni Ava. Nagpalitan sila ng singsing, at sa hudyat ng pari, opisyal na silang mag-asawa. Sa harap ng lahat, naghalikan sila bilang simbolo ng kanilang walang hanggang pagmamahalan. Pagkalipas ng isang taon, masaya silang nakatira sa bagong bahay nila. "Excited na akong maging daddy," nakangiting sabi ni Liel habang hinahaplos ang tiyan ni Ava. "Hindi lang ikaw," natatawang sagot ni Ava. Masaya silang nagyakap, alam nilang panibagong yugto ang kanilang haharapin—bilang isang pamilya. Dumating na ang araw ng panganganak ni Ava. Hindi mapakali si Liel habang hinihintay ito sa labas ng delivery room. "Congratulations, sir. Lalaki po ang anak ninyo," sabi ng doktor. Sa unang pagkakataon, nakita ni Liel ang kanilang anak. "Hello, Baby Sky," bulong niya habang hinahawakan ang maliit na kamay nito. Habang yakap niya ang kanyang mag-ina, napagtanto niyang natupad na ang lahat ng pangarap niya. Habang nakaupo sila sa kanilang balkonahe, hawak-hawak ang maliit nilang anak, bumulong si Ava kay Liel. "Sa tingin mo, anong klaseng buhay ang haharapin natin?" Ngumiti si Liel. "Isang masayang buhay—dahil magkasama tayo." Naghalikan sila, habang ang kanilang anak ay mahimbing na natutulog sa pagitan nila. At doon nagtatapos ang kwento ng isang kwento ng pag-ibig na nagtagumpay sa lahat ng pagsubok. SANA MAY NAPULUTAN KAYONG ARAL SALAMAT SA PAGBABASA NG AKING LIHAM!!! —THE END—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD