Parang hindi pa ako iiwan sana dito ni Von dahil alma niyang kung ano na naman ang aking iisipin pero kailangan ko lang talaga mapag-isa upang makapag-isip ng maayos kasi iyon ang kailangan ko upang intindihin ang kanyang situation at kung ano ang dapat kung gawin para sa situation naming dalawa. Malalim akung napabuntong hininga at napahiga na naman sa kama niya kasi kung ano ang gagawin ko, alam ko naman na malalagay sa panganib ang buhay ko kasi alam naman natin kung ano si Von at kung ano ang kaya niyang gawin kapag nagkataon. Kanina niya pa ako iniwan dito at hindi parin ako mapakali at iniisip ang lahat-lahat may takot naman sa aking puso pero mas nanaig ang pagmamahal ko kay Von, pagmamahal na alam kung ikakasakit ko pero alam ko naman na ang pagmamahal na iyon ang magpapasaya sa a

