Nagtagalang naging usapan namin ni Von at hindi ko alam kung saan na kami umabot sa aming pag-uusapan. Marami na siyang sinasabi sa akin tungkol sa kung ano ang gawain niya at kung ano mga pinapagawa niya at kahit sobrang sakit at sobrang nakakagulat ng kanyang mga binibitiwang salita at hindi ko lubos akalain na ang lalaking minahal ko ay ganon pero taliwas naman ang nakilala kuna Von, hindi ang Von na sinasabi niya sa akin ngayon ang nakilala ko. Ganon nga siguro kapag mahal ka ng isang tao umiiba at iba ang nagiging pakikitungo niya sayo at hindi ang ganong ugali ang nakikita ko kay Von, minahal ko siya sa kung ano ang pinakita niya sa at sinabi ko sa sarili kuna mamahalin ko kung ano man si Von pero tangina nagulat talaga ako. “Aaminin ko sayo na hindi ako mabuting tao at marami ang

