Mga ilang oras nalang din ang nagdaan at nakatulog na kami dito ni Von sa kanyang silid at mukhang siya lang naman ang nakatulog dahil ako gising na gising na ako. Marami din naman kaming pinag-usapan na dalawa at kung ano-ano na ang usapan namin, hindi niya talaga tinigilan hanggat hindi ako malinawan at hindi na ako mag-isip ng kahit ano. Hinahaplos ko ang buhok ni Von at malalim na napabuntong hininga habang iniisip ang lahat-lahat pero masakit parin pero mas masakit kapag iisipin kuna aalis at iiwan ako ni Von. Dahan-dahan na akung napabangon kasi naman ang higpit ng yakap sa akin ni Von isama mo pa na nakabaon ang kanyang ulo sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko pa ang kanyang hininga dito habang nakayakap sa akin, kung tutuusin mahal na mahal ako ng lalaking ito at ramdam na ramdam k

