Sa pagbaba ko palang ng helicopter mukhang nagulat sa akin ang ibang tauhan ni Von na naiwan dito ng makita nila ang aking kalagayan ngayon pero wala naman silang masabi at tinignan lang nila ako. Habang ako naman ay napapatingin sa bawat bangkay at sugatan na kanilang binababa sa helicopter at ang iba ay naliligo pa sa kanilang mga dugo at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko habang nakatingin sa kanila pero ipinangako ko sa aking sarili na igaganti ko sila at magbabayad silang lahat sa ginawa nila! Kung sinasabi nila na demonyo sila magalit kung ganon saan mapupunta ang demonyo na nasa loob ko? Nilapitan ako ng ibang tauhan ni Von at kinuha sa akin ang barel at katana sa aking likod at sila na mismo nito ang maglilinis at kung ano pa ang kanilang gagawin. Tahimik lang naman ako at walan

