Habang nakatingin ako sa lalaking mahal ko at bakas sa kanyang mukha ang matinding sakit at paghihirap mas lalong sumakit lang ang aking puso na parang nadedemonyo ako ng sobra at kaunting galaw niya lang mamaya hindi ako magdadalawang isip na patayin ang hayop nayan! Muling ngumiti sa akin si Von at ang ngiti na iyon ay sobrang puno ng pagmamahal at kasiyahan na alam kung hindi matutumbasan ng kahit ano at ako naman dito at nanatiling nakatutok lang ang barel sa lalaking nasa likod nito. Binabantayan ko din naman ang bawat galaw nito kasi alam kung baka mahiwa nito ang leeg ni Von. “Let him go asshole!” malakas kung sigaw na umalingawngaw sa buong silid at kahit si Von at biglang nagulat sa naging ugali ko at kung ano ang naging galaw. “Let him go or I will kill you!” buong tapang kung s

