PARANG zombie si Gianna sa mga sumunod na araw. Pumapasok siya sa iskuwela ngunit halos walang pumapasok na mga lessons sa utak niya. Tahimik siya kapag kasama ang mga kaklase. Hindi na rin gaanong nagtataas ng kamay kapag may tanong ang guro kahit alam ang sagot. Kapag nasa bahay ay diretso lang siya sa kuwarto at nagmumukmok sa kama. Minsan na lang din siya makipaglaro sa labas. Madalas ay dumudungaw na lang siya sa bintana na tila may hinihintay. Tila may taong nais makita para manumbalik ang dati niyang enerhiya. Napansin din yata ng Yaya Vilma niya ang pananamlay niyang iyon kaya napilitan na itong magtanong sa kanya. “May problema ba, Gianna? Bakit parang napakatahimik mo yata ngayon? Hindi ka ba masaya sa naging successful na performance mo noong nakaraang linggo?” “Okay lang po

