NASA dressing room sina Gianna habang binibihisan siya ng nanay niya. Sa halip na magsaya, parang lumulutang sa kawalan ang isip niya. Nakatunganga lang siya sa harap ng salamin habang mine-make up-an siya ng ina. Napansin na rin nito ang tila pananamlay niya. “Okay ka lang, ‘nak? May sakit ka ba?” tanong nito sa kanya. “W-wala po,” mabilis niyang sagot sa matamlay na tinig. “Bakit parang iba ka ngayon? May nararamdaman ka ba? O kinakabahan ka lang?” Hindi na siya sumagot sa pagkakataong iyon. Ang nasa isip kasi niya ay kung nasaan si Angelo. Dumating na lang ang araw ng performance niya ay hindi pa rin ito dumarating o nagpaparamdam man lang. Sa mga panahong kalaro, kasama at kausap niya si Angelo, ngayon lang niya natuklasan na parang nahuhulog na siya rito. Alam niyang hindi pa si

