KANYA-KANYA ng istilo sa pagpapakilala ang mga estudyante sa harap ng entablado. Bawat isa sa kanila, nakatanggap ng iba’t ibang uri ng palakpak. May mahina, may katamtaman, at may malakas. Depende kung gaano kahusay ang bata para makuha ang atensiyon ng mga manonood. Nang si Gianna na ang sumalang sa stage, isang magarbong ngiti ang pinakawalan niya rito. Saka niya ipinakilala ang kanyang sarili sa masiglang paraan habang gumagawa ng postura at ibinibida ang suot na damit. Isa siya sa mga nakatanggap ng malakas na palakpak dahil sa energy at stage presence na pinakawalan niya. Bukod pa rito ang suot niyang oversized t-shirt na may taktak ng mukha ng isang Hollywood rapper at isang black jeans na bumagay sa pang-ibabaw niya. White rubber shoes naman ang sapatos niya at may black shades

