**** Nag pabalik balik ako sa loob ng kwarto ko ng mabasa ko ang information ni Samuel Yu. "Ibig sabihin bata pa lang ito nakaranas na ito ng s*xual harassment mula sa tatay pa mismo nito? " wika ko. Halos nanghihina ang tuhod ko ng mabasa ko ang mga ito. Nakaka gimbal ito para sa'kin ang ama nito ay isang Pedophile din at araw araw nitong ginagalaw ang anak. Kaya ang nangyari sa ama nito ay ganun din ang nangyari sa anak nito. Kasabay din nito ang ina nito ay iniwan siya sa puder ng ama na isang bakla. Napa upo ako ay nanginginig ang mga kamay ko ng muling basahin ang information na galing sa paaralan. Kumpleto ito, pag dating sa ampunan ng bata doon naman ito pinagmalupitan. Paano naka alis at napunta ang bata sa pangangalaga ng mga madre? Yun ay dahil tumakas ang bata. Doon ko n

