**** Dalawang araw simula ng nangyari ang gulo sa labas ng Subdivision hindi na muling nagpakita si Lynch at ang kaibigan nito. Naka kuha na rin ako ng sapat na information tungkol kay Samuel Yu ngunit masyado itong mailap. Hindi ko na rin hinahayaan na maka lapit pa ang mga taong pinag hihinalaan ko sa'kin. Mas lalo si Lawrence hanggat hindi ko mahanap sino talaga ang may sala hindi ko sila pwede palapitin sa akin. Kung ako ang habol ng taong yun mas gugustuhin niyang kunin ako ng mag isa o galawin ako ng walang kasama. Pero kung matalino ito alam pwede niya at iisipin na isa lang itong patibong. Ibig sabihin dalawa lang ang pagpipilian niya. Una, ang manmanan ang bawat kilos ko alamin kung saan ako pumupunta at higit sa lahat ang mga oras ko. Pangalawa, ang mag tago na lang dahil

