**** Nang makalabas kami sa restaurant doon lang ako binaba ni Mr Schneizel. Pagbaba ng pag baba sakin nito dalawang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Doon ko lang napansin marami siyang kasamang men in black at nandito din ang mga kaibigan niya. "Anong karapatan mo para gawin kay Wyatt yon ha?! Sino nagbigay sayo ng permiso na gawin yon?!" galit na sigaw ko dito. Lumingon ito sakin at nag salita. "Totoo naman ang sinabi ko sa kanya ako ang naka una sa'yo! Anong masama don? Kinuha ko lang ang kung anong akin!" sagot nito sa akin. "Kilabutan ka! Alam nating dalawa na pinilit mo lang sarili mo sa akin!" sigaw ko dito. Nagulat ako ng tumawa ito bago mag salita. "Hindi mo ba naiintindihan? O wala kang alam talaga?" tanong nito sa'kin habang naka ngisi sa'kin. "W-what?" nauutal

