Chapter 27 Paloma's Pov Kailangan ko ng makagawa ng hakbang para malaman ko na ang totoong nangyari sa mga magulang ko. Ayokong sayangin ang panahon at oras ko. Hindi pwedeng hindi ko makuha ang katarungan sa nangyari sa aking magulang. Baka makukuha ko ang sagot kay sir David kung may alam siya sa nangyari sa loob ng hacienda ng kanyang tito. Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho. Alas otso pa lang nasa office na ako ni sir David. Inayos ko mga nakakalat sa table ni sir David at inayos ito. Pagkatapos kong nag ayos ay nagpunta na ako sa table ko para magtrabaho na din. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si sir David. “Good morning sir." Bati ko sa kanya " Oh parang ang aga mo ata dito Paloma?” Tanong ni sir David sa akin. " Napaaga po ako kanina sir naki sabay po ako sa tat

