Chapter 26 Paloma’s Pov Sumunod na ako sa kanya bitbit ang kanyang laptop. ‘’Grabe naman maglakad ito na paka bilis niyang maglakad alam naman niyang naka heels ako.’’ Sambit ko sa sarili na nagmamadaling naglalakad ‘’Sumakay ka na Paloma.’’ Wika ni sir David sa akin. ‘’Sige po sir dito na po ako sa backseat sir.’’ Ani ko sa kanya ‘’Bakit ka dyan sasakay dito ka sa front seat Paloma .’’ Utos niya sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya hindi siya pumasok sa loob ng sasakyan kung hindi ako sa front seat uupo. Pumunta na ako agad sa front seat para doon na umupo. Dali-dali na din siyang umikot papunta sa bandang driver seat saka pumasok siya agad. ‘’Paki ayos na lang ang seatbelt mo Paloma para makaalis na din tayo.’’ Wika ni sir David sa akin. Inayos na agad ang seatbelt ko par

