Chapter 25 Paloma's Pov Nakita ko na yung sinasabing canteen ni sir David. Nagtungo agad ako para doon umupo para doon mananghalian. Inilabas ko ang aking lunch bag at saka inilabas ang pagkain ko. Habang kumakain ako biglang may umupo sa tapat ko. “Pwedeng makisabay sayo sa table mo miss?” Tanong ng isang lalaki sa akin. “A-ah oo pwede naman po.” Sagot ko sa kanya. Nagmamadali akong kumain sa baon ko. “Miss nagmamadali ka ba? Parang ang bilis mo naman kumain?” Tanong ng lalaking nasa tapat ko. “Ah oo kailangan kong bumalik agad sa trabaho.” Sagot ko sa kanya “ Dahan-dahan ka lang kumain baka mabilaukan ka dyan!” Wika ng lalaki sa akin “Ako pala si Ryan. Ikaw? Bago ka lang dito nho?” Tanong niya sa akin. “Oo bago lang po ako kakasimula ko lang ngayon araw na ito. Ako pala si Palo

