–THE PAST OF AZE–
Papunta ako ngayon sa parking lot ng biglang…
May naramdaman akong tao sa likod ko. At, nakatutok pa ito ng baril sa akin
Dahan-dahan ko naman itong tiningnan habang nakataas ang dalawang kamay
'Hindi ko kaya ito. Ang dami nila. Tsaka, wala pa akong masyadong alam sa pakikipagbugbugan'
Bumukas naman 'yung pinto ng kotse. At bumaba dun…
Si Tan!
"Ibaba niyo na baril niyo. Gusto ko lang makausap itong si Aze"
Ibinaba naman nila ang mga baril nila gaya nung sinabi ni Tan. At ibinaba ko na din ang kamay ko
"Braze Ley Suarez. Ang boyfriend ni Ziara"
"Anong kailangan mo??!" Pasigaw kong sabi
"Simple lang naman!. Layuan mo si Ziara. Hindi ikaw ang bagay sa kaniya. Makakasira ka lang, sa kaniya"
"Tsk!. Paano 'pag ayaw ko?!"-m
"Ayaw mo?!"
Naglakad naman siya papunta sa likod ko, ngunit hindi ko ito tiningnan
"Mamamatay kayong lahat"
Nabigla naman ako nung bumulong siya
Tapos bigla itong tumawa na mala demonyo
"HAHAHHAHA!"
"Simple Aze. Papatayin ko ang mga pinakamamahal mo. Si Ziara. Mga magulang mo at kapatid mo. Mga kaibigan mo. Tapos, ikaw ang panghuli para magsama-sama kayo"
Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya
"Kailangang ngayong gabi, nasunod mo na ang inutos ko. Remember Aze. I am everywhere. Palaging nakasunod at nakamasid sa inyo. HAHAHAH"
Tapos tumawa naman siya ng mala demonyo
At, hindi ko namalayan na umalis na pala ang kotse nila
'Gagawin ko ba ang sinabi niya?? Pero sure akong masasaktan ko si luv. Pero, para naman ito sa kaligtasan naming lahat diba??'
'Alam ko si Tan. Isang makapangyarihang nilalang dito sa Pilipinas. Kung hindi ko siya susundin, papatayin niya talaga kami'
'Gagawin ko ba talaga ito??'
___
(~FASTFORWARD~)
"Luv!"
Lord, nandito na siya!!!
"Bakit mo pala ako pinapunta dito??"
Umayos muna ako ng tayo at humarap ng seryoso sa kaniya
"May sasabihin ako sayo" cold at seryoso kong sambit
Alam kong naghihintay lang siya sa sasabihin ko
"Maghiwalay na tayo"
Nabigla naman siya sa sinabi ko
"Nakikipaghiwalay na ako sayo" dagdag ko with serious mode pa din
"Huwag ka namang magbiro luv!!" aniya
At Umiyak na siya…
'My ghodd!! Hindi ko kayang Umiyak siya sa harapan ko!!'
"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako. Mag-break na tayo!"
Nahagilap naman sa mga mata ko sa may di kalayuan ang isang tao. Sure akong si Tan yun. O di kaya'y ang tauhan niya
"Luv bakit??" aniya
"Klaro naman diba?? Nakikipaghiwalay na ako sayo kasi, hindi na kita mahal!" bulyaw ko sa kaniya
Please lang luha. Huwag kayong lumabas…
"Diba, sabi mo luv ako lang. Ang mahal mo. Papakasalan mo. Babaeng hinahanap mo!. Pangako mo yan diba??!"
"Binabawi ko na lahat ng 'yun!.Narealized ko na, nagkamali pala ako. Sobrang Mali. Hindi ikaw yung babaeng hinahanap ko. Ang totoo niyan!, nagustuhan lang naman kita kasi, ikaw yung nandiyan nung nagluluksa pa ako kay Anna. Na realized ko na, hindi kita tunay na minahal!"
'No Ziara!. Hindi tunay ang sinabi ko!'
Mas lalo naman siyang napaiyak
Tumingin muna ako sa langit para pigilan ang luha ko
"Kaya paalam!"
Tatalikod na sana ako papunta sa kotse ng bigla niya akong niyakap mula sa likod…
"Luv huwag mong gawin sa akin toh plss??. Ano bang kasalanan ko luv!!. Hindi naman tayo nag-away diba??"
"Hindi mo kasalanan. Desisyon ko ito!"
'Luv sorry'
"Luv, hindi ako naniniwala sa'yo. Mahal mo ako diba??. Kaya plss luv, huwag mong gawin toh!!. Mababaliw ako luv!, kapag wala ka!"
"Ziara, bitawan mo'ko!"
"No!!. Bawiin mo muna lahat ng sinabi mo luv. Plsss??. Mahal na mahal na mahal kita luv!"
'Mahal na mahal din kita luv. Pero para ito sa kaligtasan nating lahat. Lalo na sa'yo'
Inalis-alis ko naman ang kamay niya sa bewang ko. Ngunit mas lalo pa niya itong hinigpitan at humagulhol na siya
Pero malakas ako. Kaya naalis ko ang kamay niya
At humarap ako sa kaniya…
"No luv. Plsss??!"
Gusto kong punasan ang mga luha niya. And say, na "I am sorry. I love you luv". Pero I can't, nakamasid pa din sa amin 'yung lalaki at sa ngayon ay may hawak na siyang baril
And ang pisteng luha!. Tumulo pa!. Pero isang patak lang!
"I need to go!. Paalam"
At tumalikod na ako sa kaniya at nagsimulang maglakad papunta sa kotse ko
"Huwag mo'kong iwan luv!"
Rinig kong huling sambit niya. At nakasakay na ako sa kotse ko
Pagkasakay ko sa kotse ko ay doon na lumabas ang mga luhang pinipigilan ko lang kanina
"Sorry luv. I love you. Paalam muna sa ngayon. Hanggang sa sunod nating pagkikita" bulong ko
At tumutulo pa din ang mga luha ko habang papaalis sa lugar na ito
___
(~PERLIE POV~)
(Part pa din ito sa past ni Aze)
"Ziara my friend!. Okay ka lang?? Ilang araw ka nang ganiyan ah?!"
Nandito kasi kami ngayon sa canteen. At itong si bes, nakatulala lang. At namumugto pa ang mga mata. Yung ba, galing umiiyak?
"Ziara. Ano bang nangyari?? May problema ba?? Kung meron man, sabihin mo sa amin para matulongan ka namin!"
Napatingin naman siya sa aming lahat lalo na sa akin
At unti-unti naman siyang Umiyak. Kaya, inalayan ko. "Ziara!" mylabs
"Ano ba kasi ang nangyari??" Ani Peter
"Ma friend!"-Franz
Binigyan ko naman ng tissue si Ziara at umayos na siya ng upo
"Vhince. Peter. Mark. Franzie. Blaire. Bes. Wala na kami ni Aze!!!" at Umiyak na naman siya
"Huh?? Bakit??"
"Hindi yun gagawin ni kuya sa iyo!"
"Hin-di k-o di-n alam. Nagulat ng-a ako eh!. Sinabi niya na. Hindi niya raw ako tunay na minahal!"
"No!. Hindi totoo yan!. Mahal ka ni kuya!" Ani Blaire
"Ansakit!. Sobrang sakit!"
Niyakap ko naman siya…
"Mahal na mahal ko siya bes!. Mahal na mahal ko si Aze!!"
Mas lalo ko naman siyang niyakap…
__
(~FAST FORWARD~)
Nandito kami sa bahay namin. Nagdesisyon na kaming hindi na pumasok. Okay lang naman raw. Kasi, its Friday
Sinirado ko naman ang kuwartong ito kung saan namin pinatulog si Ziara. Mukhang pagod siya sa kaiiyak eh!. At mukhang, walang tulog
__
(~BRAZE POV~)
"Okay na si Ziara??"-Peter
Kitang-kita ko at rinig na rinig ko ang mga usapan nila
"Oo. Nabihisan ko na din " sabi Perlie at umupo
Dumating naman si Blaire
"Guys. Tumawag ako sa bahay. Sabi ni yaya Ela, umalis raw si kuya dala mga gamit niya. And hindi nila alam kung saan pupunta" ani Blaire at umupo katabi ni Mark
"Naawa ako sa pinagdadaanan ngayon ni ma friend!"-Franzie
"Kaya pala lately. Hindi ko na nakita na pumasok si Aze. Hindi na nga sila magkasama ni Ziara papunta sa school!"-Mark
'Sorry guys ha??. Sana balang araw, kung ipaliwanag ko sa inyo lahat ng ito ay maiintindihan niyo'
__~END OF CHAPTER 18~__