~ZIARA'S POV~
Tumingin naman siya sa akin
At ihinawig ang buhok ko sa may tenga
Tapos hinawakan niya yung isang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay
At nakatingin lang ako sa kaniya ng deritso habang ginagawa niya iyon…
At
At…
Magkalapit na ang mukha namin
Tapos bigla na lang may sumagi sa utak ko
[ I love you luv!! ]
[ I love you more luv! ]
Pagkatapos ipakita ng utak ko yun. Ay inilayo ko kaagad ang mukha ko kay Ian
'Damn Ziara! Ano bang nangyayari sayo??'
"Ziara, what's wrong??"
Tiningnan ko naman ulit si Ian
"Ian. Sorry. Plss!. Mahal ko si Aze Ian, hindi ko siya magawang lokohin!. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko Ian, kapag niloko ko siya!!!"
Nalungkot naman ang mukha niya at napayuko na lang. Tapos ilang segundo din ay nagsalita na ito…
"Sorry din Ziara" sambit niya
"Pramis. Hindi na mauulit ito!" dagdag niya
"Sana nga Ian. Kahit wala si Aze ngayon, hindi ko siya kasama. Nangako akong, siya pa rin ang mamahalin ko"
Ilang segundo ng katahimikan…
"Uhmm Ziara, iuwi na lang kita"
Tumango naman ako sa kaniya, sabay ngiti
Tapos tumayo na din kami…
(~FAST FORWARD~)
Nandito na ako sa loob ng mansiyon. Tapos napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko, dahil pagtingin ko sa sala ay wala sila
"Asan sila?!"
Mabuti siguro kong magtanong na lang…
"Yaya?!" tawag ko dun sa kasambahay na kaka-daan lamang
"Yes po ma'am??"
"Asan po pala sila Perlie at Vhince??"
"Ay ma'am. Umalis po. Kanina lang!" aniya
"Umalis?? Magpapaalam naman yung dalawa sa akin, bago umalis" bulong ko
"Kasama nga po nila, si ma'am Blaire at sir Mark eh!"
"Sige po yaya. Salamat po. Hihintayin ko na lang po sila dito" aniko
Umalis naman siya
Pagkaalis niya ay umakyat muna ako papunta sa kuwarto ko, para na din magpalit
(~FAST FORWARD: KUWARTO~)
Katatapos ko lang ngayong maghapunan na mag-isa. Tapos, ay umakyat muna ako dito sa kuwarto ko
Kanina pa ako naghihintay sa kanila pero wala pa din. Mga 5 oras na ata akong naghihintay…
Tiningnan ko naman ang orasan
8:24 p.m na…
Pero wala pa din sila
Kaya naisipan kong magpamusic muna…
[–(DESTINY)–]
?What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart?
Heheheh. Bakit pa ito??. Tandang-tanda ko pa ang nangyari sa kantang ito. Ito ay ang birthday ni luv, na sumayaw kami habang tugtog na tugtog iyan
?How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew?
Kaya para mas masaya ay sinabayan ko na ang kanta
.
.
.
.
Hanggang sa matapos ito
Tapos, next song na naman…
?Minsan oo, minsan hindi
Minsan Tama, minsan Mali
Umaabante, umaatras
Kilos mo'y namimintas?
?Kung tunay nga
Ang pag-ibig mo
Kaya mo bang, isigaw
Iparating sa mundo?
Napatigil naman ako sa chorus dahil may sumagi sa utak ko
Walang iba kundi ang pagtitigan namin ni Ian
?Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama?
Parang may meaning ang kada-pagtitig niya sa akin. O sadyang ako lang talaga ang may malisya?
Pati na rin yung malapit na kami mag-kiss kanina, bumalik din sa utak ko
'Ano bang nangyayari sa akin?? Bakit ganito ako??'
'Nagustuhan ko na ba talaga si Ian??'
Dahil sa kalituhan ko ay pinatay ko na yung music
At nagdesisyong bumaba na…
___
(~BLAIRE POV~)
Time check✔ 9:36 p.m
At finally ay nakauwi na kami.
Natagalan kasi kami, kasi si mommy ay nagkukuwentuhan pa kina Perlie at Vhince
Pagpasok namin sa mansiyon ay nahagilap agad sa mga mata namin ang isang taong natutulog sa sofa…
"Ziara?"
Parang si Ziara kasi eh!
"Bakit nandito yang babae dito!!"
At nilapitan namin
Unti-unti naman niyang ibinuka ang mga mata niya…
"Nandito na pala kayo!" Sambit neto
"Ziara, bakit ka dito sa sofa natulog?? May kuwarto ka naman ah??" Wika Vhince
"Hinihintay ko kasi kayo. Di ko pala namalayan na nakatulog ako. Saan ba kayo galing ah?!"
Nagkatinginan naman kaming apat…
"Wala Ziara. May importanteng inasikaso lang kami"-bebeko
"Ok."
"Tara bes. Ihatid na kita sa kuwarto mo, doon na din ako matutulog" ani Perlie
"Ayaw mo na ba akong katabi mylabs??"-Vhince
"Tumahimik ka nga!"
At tuluyan na silang umakyat papa itaas…
"Hanggang kailan pa kaya tayo ganito noh?!"
Napatingin naman ako kay Mark ng magsalita ito…
"Hayst!. Kailan pa ba magiging si Aze??" dagdag niya
"Ang diyos lang ang nakakaalam babe. Maging ako man, gusto ko nang magising si kuya"
___
(~KINABUKASAN~)
–XIE POV–
Nakalibing na si dad. Maaga namin siyang pinalibing
Hanggang ngayon ay ang sakit pa din
Hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung sino yung lalaking tumulong sa amin.
Yung lalaking nagbaril kay Aze
Hindi ko siya kilala ah?!. Hindi namin siya tauhan o kakampi
Pero kung kakampi yun sa amin? Ay tsak akong, lalakas kami
"Boss, nagawa na po namin ang ipinagawa niyo. Napaskil na po namin, ang litrato ni Aze sa buong siyudad at iba pa"
Inutusan ko kasi silang idikit ang picture ni Aze na may nakalagay na
"Good!. Ipagpatuloy niyan"
"Salamat po boss!"
Tumalikod na ako sa kanila at humarap sa bintana
'Magbabayad ka Aze. Magbabayad kayong lahat!'
___
(~ZIARA POV~)
Nandito ako ngayon sa favorite spot ko dito sa mansiyon. Sa likod. Kung saan, puwede mong sumigaw. Kasi malayo ito sa kanila
Nalilito pa rin kasi ako kagabi. Bakit ba ako nagmahal ulit??
"Ma, Pa. Alam kong naririnig at nakikita niyo ako ngayon!"
Nagsimula nang mamuo ng tubig sa gilid ng mata ko
"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kay Ian??. Mahal ko na ba siya?? Impossible naman pong hindi ko siya magustuhan. Ang sweet niyang tao!. Mabait. May respeto. At siya lang yung nagpapasaya sa akin this fast few days!"
"Pero mahal ko pa din si Aze eh!. Mahal ko si Ian, pero mahal ko din siya. Sana ol diba??? Ang gulo, Pa!!. Puwede bang tulungan niyo ko??"
Nagpatuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko…
"Aze. Luv. Sana maririnig mo ito ngayon. Kung naririnig mo man, nagmamakaawa ako sayong magpakita kana sa akin luv please??. Ilan days and weeks na din ang nagdaan simula nung binigay mo sa akin si Little Aze. Pero, hanggang ngayon. Umaasa pa rin ako sa sinabi mo!!"
"Baka isang araw luv, hindi ko na kakayanin 'toh!. Baka, mamahalin ko talaga si Ian. Luv baka, makalimutan na kita"
"Pero sana. Hindi darating ang araw na iyon. Plss luv, magpakita ka na plss??. Magpakita ka na!"
At humagulhol (sakto ba??) na talaga ako
__~END OF CHAPTER 17~__