SUMUNOD na araw ay panay ang tawag ni Danger at nangungulit na mag-dinner sila kasama ang kapatid nito. Kaya naman si Tempest ay todo tanggi at sinasabing busy siya at madami ang gagawin. Mas lalo siyang nagpursige na maghanap ng trabaho pambili ng mga beauty products. Hindi pwedeng magmukha siyang yaya sa kapatid ni Danger. Baka hindi siya nito magustuhan. Tagaktak ang pawis na tinawagan ni Tempest si Gerney. Nagkanda-ligaw na kasi siya at hindi mahanap-hanap ang sinasabi nitong aapply-an niya. Mabuti na lang at nakaka-ilang ring palang ay sinagot na nito. "Hello Friend! Saan ka na? Kamusta interview?" bungad ng kaibigan niyang si Gerney mula sa kabilang linya. Napairap si Tempest saka pinaypay ang folder na dala sa mukha niya. Ang init-init at nagwa-walk in siya. Hindi man lang naka

