Kabanata 30-Good bye

1363 Words

MALAKAS ang tili ni Chona at mahigpit na napayakap kay Tempest matapos ipakita ng huli ang punong-puno ng diyamanteng engagement ring niya. Mayabang pang ngumisi si Tempest bago kinuha ang cellphone niya at muling kinuhanan ng picture ang kamay niya. Bagay na bagay talaga kay Tempest ang singsing. Sobrang ganda at hindi siya makapaniwalang may suot siya nito ngayon. Hindi niya inaakalang magpo-propose na sa kanya si Danger. Ang kumag na iyon hindi lang gandang ganda sa kanya. Baliw na baliw rin at ayaw nang pakawalan pa siya. Natatakot pa atang maagaw siya ng iba. At kanina nga ay halos ayaw ng pakawalan siya. Kung hindi lang dahil kumatok ang Uncle Fidel nito at sinabing may mahalaga silang pag-uusapan, hindi siya nito papayagang umuwi. Maging si Tempest din naman ay gusto pang makasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD