MABILIS na lumipas ang araw. Mas dumadami rin ang mga naiinggit at nagagalit kay Tempest sa lugar nila. Pero imbis na magreact, mas lalo niya pang inaasar ang mga ito. Mas lalo niyang pinaganda ang katawan at nakuha na rin niyang mag-enroll sa gym sa kabila ng pagiging busy niya. Pero may isa siyang problema; ang barumbadong si Danger Fischer. Mula nang puntahan siya ni Dash ay hindi na rin siya nito nilubayan. Parati nitong binabanta na oras na bumisita pa ang huli sa kanya ay wawasakin ni Danger ang mukha ni Dash. Mabuti na lang at matapos ng nangyari nung nakaraang linggo, hindi naman ito nagtanong kung anong meron sa kanila Danger at talaga namang wala siyang maisasagot. Good thing, nasa palawan ngayon si Dash at may inaasikaso. Wala siyang poproblemahin kapag nagpang-abot ito

