TILA bubuyog ang mga insekyuradang babae na nadadaanan ni Tempest na bulong nang bulong patungkol sa kanya. Mga walang magawa sa buhay. Tanghali na pero tsismis pa rin ang inaatupag. "Iba talaga alindog ni Tempest ano? Akalain mo, una si Fafa Dan. Tapos ngayon, may bago na naman," sarkastikong sambit ng hindi niya kilala. "Ganyan talaga kapag desperada nang makapag-asawa. Kung kani-kanino na lang pumapatol." Dinig niyang usapan ng dalawang babaeng masyadong trying hard sa pagpapaganda. Magsusuot ng maiikli, kita naman yung mga kamot sa legs saka mga peklat na pwede nang mapagkamalang barya. "Aling Amy, softdrinks nga ho. 'Yung malamig na malamig. Sa sobrang hot ko kasi, pati mga insekyuradang babae, init na init na sa 'kin at ako na lang ang laman ng balitang hindi naman nila ikin

