ILANG ARAW nang nahihirapan si Tempest sa sitwasyon niya. Feeling n'ya'y napa-paranoid siya at anumang oras ay makakasalubong niya si Danger sa daan. Simula nang mangyari ang labanan sa pagitan nila Tristan at Dan--na obvious namang ang huli ang panalo--iniwasan niya na ito. Ayaw niyang makaharap ang binata sa hindi niya malamang dahilan. Kaya ganun na lamang ang pag-iwas niya dito saka kina Baldo. Nagtataka man ang nanay niya at hindi siya umuuwi sa kanila, sinabi niya na lang sa text na kay Chona muna siya uuwi at may problema ang kaibigan niya. Pero ang totoo, siya talaga ang may problema. Ayaw niyang makaharap si Dan matapos ng ka-kornihan nitong sinabi sa laban. Todo deny siya sa sarili na hindi siya kinikilig. Dahil kinakabahan siya para sa future niya. Hindi pwedeng ma

