"BOSS! Boss Dan!" Isang malakas na kalabog ang nagpalingon kina Danger at Tempest sa pintuan. Kinuha niya iyong pagkakataon upang makatayo at makalayo kay Dan. Kung sino man ang nasa labas ay nagpapasalamat siya dahil kung hindi ito dumating ay baka kung ano nang ginawa sa kanya ni Danger. "Damn it!" malutong na mura ni Danger bago tinungo ang pintuan saka binuksan. Pinanlisikan niya ito ng tingin bago inirapan. Nakasunod si Tempest sa likuran niya, hindi dahil gusto niyang makita kung sino ang kumakatok. Uuwi na siya at baka ano pang mangyari sa 'kanya dito. Nang buksan ni Dan ang pinto ay bumungad ang hindi niya maintindihang itsura ni Baldo. Parang masaya ito na hindi sa sasabihin nito. "Boss, dating gawi. Naghahamon ang grupo nila Tristan--" Sumulyap ito kay Tempest. "Ang p

