MABIBIGAT ang hakbang ng mga paa ni Tempest na tinungo ang daan sa bahay ni Danger. Wala talagang araw na hindi ito nagtatagumpay sa pang-iinis sa kanya.
Kanina nang sabihin nitong tanaw ang kulay dilaw niyang panty ay pakiramdam niya'y bumaba ang pagkatao niya. Sino ba namang hindi lalo na't pati sina Baldo nakitang ganun ang suog niya.
Pero nang makauwi sa kanila ay doon niya lang naalala na wala siyang panty na ganun ang kulay. Saka isa pa'y hindi butas ang leggings niya. Nanay niya na mismo ang nagsabi at chini-check niya ang mga damit o short niya bago niya sinusuot. Kaya imposible ang sinabi ni Danger.
Kaya hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa kanila ay lumabas kaagad siya upang sitahin si Danger sa pang-iinis nito sa kanya.
Hindi niya alam kung ano bang nagawa niya at lagi siya nitong pinagtitripan. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya't hindi siya nito binugbog o maiinis dahil parati siya nitong naiisahan. Wala na. Umagang-umaga pa lang ay sira na ang araw niya.
"Danger! Nasan si Danger? Nasan ang Boss niyong ugok!?" aniya sa mga gangster wannabe na nadaanan. Baka kasi tinatago lang nila si Danger. Dito muna siya maghahanap bago puntahan ang bahay nito.
Natigilan dahil sa gulat sina Baldo at natigil sa kantahan nang pukupukin ni Tempest ang mesa kung saan nag-iinuman ang mga ito kasama ang iba pang tukmol na alagad ni Dan.
Sa inis pa ni Tempest ay inabot niya ang isang junk foods at inipit sa may kilikili niya. Bakit ba! Paborito niya iyon! Kakainin niya iyon mamaya kapag hindi na humupa na ang galit niya.
"Uy Tempest, kung may hindi kayo pagkakaunawaan ni Boss, 'wag mo naman kaming idamay. Tahimik kaming nag-iinuman dito, manggugulo ka," kakamot-kamot sa batok na ani Baldo. "Saka akin na nga iyong Mang Juan na kinuha mo. Utang lang 'yan kay Aling Amy eh."
Pinag-iirapan niya ang mga tukmol pati na ang kasamang babae ni Kupal 1 na masama pa rin ang tingin sa kanya. Problema ba nito? Masyado ba siyang maganda sa paningin nito to the point na nanlilisik na ang mga mata? Insecure lang 'ghorl?
"Wala akong pake! Nasaan si Danger?!"
"I.Q ba kayo? Suyuin mo na lang. Nandun sa bahay niya."
Padabog siyang umirap kay Tukmol 1. Ang dami na niyang iniisip, dumagdag pa iyong I.Q na sinabi nito.
"Gago ka ba!? Anong I.Q? E.Q iyon," sabat naman ng isa pang tukmol.
Sa inis ay hindi na napigilang sumabat ni Tempest. "L.Q iyon mga ugok! As in lover's quarrel. Mga pinagsasabi ninyo. Ang tatanga niyo naman!" Natampal niya pa ang noo dahil hindi niya kinaya ang mga ito. Puro nagyayabangan, eh mga mali naman.
Ang akala ni Tempest ay magagalit ito sa kanya dahil tinawag niya itong mga tanga pero nagulat siya nang magtawanan ang mga ito.
"Alam naman namin iyon Tempest. Hinuhuli ka lang namin. Ayieeh lover's quarrel daw sila. Ibig sabihin ba nito, nangangamoy kasalan na kayo ni Boss?"
Nag-init ang pisng niya. Sa inis ay nag-walk out siya at dumiretso sa bahay ni Dan. Paanong hindi niya napansin na pinagkakaisahan siya ng mga tukmol na iyon.
Pero duh! Never magkakaroon ng Lover's Quarrel sa pagitan nila Dan.
"Ingat Tempest. Wild pa naman si Boss!"
Kumuyom ang mga kamao niya sa pahabol ng mga ito bago itinaas ang gitnang daliri sa kanang kamay niya.
***
MEDYO may kalayuan ang bahay ni Dan sa madalas nitong tinatambayang tindahan ni Aling Amy kaya ganun na lamang ang tagaktak ng pawis sa mukha patungo sa leeg at gitna ng dibdib ni Tempest.
Bumuga siya ng isang beses at akmang kakatukin ang pinto ng bahay ni Danger nang mapag-isipan niyang 'wag na lang.
Bakit siya kakatok kung ang tao naman sa loob na madadatnan niya ay walang modo?
"Hoy Danger hayop-- a-aray," ngiwi ni Tempest nang masubsob siya sa semento matapos tulakin ng malakas ang pinto. Hindi niya inaasahang hindi naka-lock iyon. s**t naman!
Busy si Tempest sa pagkapa ng ilong at labi niyang nangudngod sa semento habang nanatiling nakadapa pa rin nang may biglang magsalita kaya napaangat siya ng tingin.
"Such a clumsy Lady."
Nagsalubong ang kilay niya nang magtagpo ang kanilang mata ni Dan. Tulad niya, nakadapa rin ito sa semento. Ang pinagkaiba lang ay nagpu-push up ito.
Dali-dali siyang bumangon at inayos ang postura na tila ba walang nangyaring kapalpakan sa kanya.
Pilit niya mang itanggi sa isip ay hindi niya magawa na umiiral na naman ang kalandian ng kabilang bahagi ng utak niya lalo na't walang saplot pang-itaas si Danger at patuloy pa rin sa pagpu-push up.
Halos naliligo na ang ma-muscle nitong katawan sa pawis na tumutulo naman sa sahig. Ang buhok din nito ay bagsak na sa noo dahilan upang matakpan ang mga mata nito.
Parang sa mga sandaling ito ay kay sarap maupo sa likod ni Dan at kanyang sinasakyan habang nagpu-push up.
Napakagat sa ibabang labi si Tempest habang pinagmamasdan ang pag-taas at baba ng katawan ni Dan.
At hindi niya namamalayang napadiin na ang pagkagat niya doon dahilan upang mapangiwi siya.
"Why bit your lip, if you can bite mine?" ani Dan na hindi namamalayan ni Tempest na nasa harapan na niya.
"A-anong?" Napaatras siya nang mas lumapit pa sa kanya si Danger. Mabuti na lamang at hindi siya nag-assume na hahalikan siya nito dahil inabot lang naman nito ang puting towel na nakasabit sa may likuran niya.
Sinundan niya ng tingin si Dan at nanlaki ang mata niya nang sarhan nito ang pinto at ni-lock iyon bago sumandal doon. Sinuklay nito ang basang buhok paitaas bago Ipinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Hindi pa rin pinupunasan ang pawis.
"Bakit mo kinakagat ang pang ibabang labi mo? You know, pwede namang ako ang gumawa nun sa 'yo. Mas masarap pa."
Pinamulahan si Tempest. Paniguradong nahuli siya nitong pinagpapantasyahan niya ang katawan ni Dan kanina.
Imbis na umaktong napahiya, inirapan niya ito. "Uuwi na ako. Tabi!" Tinulak niya ito upang makadaan sa pinto. Sa sobrang inis niya kay Danger kanina ay hindi na niya naisip na delikadong mapag-isa silang dalawa. Baka tikman lang nito ang alindog niya--and that is a big no! Never!
"Alis sabi!" aniya ulit nang hindi man lang gumalaw si Dan sa kinatatayuan nito.
"Not until you tell me what are you doing here."
Inalis nito ang pagkakakrus ng braso at huli na bago pa man maiatras ni Tempest ang mga paa dahil pumulupot na ang mga kamay ni Dan sa beywang niya at hinapit papalapit dito.
Ramdam na ramdam niya tuloy ang init ng katawan nito sa kanya.
"Ay anu ba Danger! Bitaw! Nakakadiri ka! Ang dami mong pawis! Eww!" maarteng aniya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso dito. Baka lalo lamang siyang mainis sa pang-aasar na titig nito.
Akala ni Tempest ay magmamatigas si Danger pero nakahinga siya ng maluwag nang alisin nito ang pagkapulupot ng kamay sa beywang niya.
"Punasan mo ako."
"Ayoko nga--" naputol ang sasabihin niya nang batuhin ni Danger ang hawak na towel sa mukha niya.
Inis niyang tinanggal iyon saka pinanlisikan ito ng mata. "Ano ka, Boss? Asa ka Danger! Tabi nga!" Anong akala niya? Isa si Tempest sa mga alagad niya!?
Muli niyang tinulak si Dan pero mabilis ang mga kamay nito at muli na naman siyang inihapit sa beywang.
"Dali na. Punasan mo na ang pawis ko." Inabot ni Dan ng kanang kamay niya at dinala sa pisngi nito.
Umarko ang kilay niya; pilit binabalewala ang nakakailang nilang sitwasyon na dalawa. "At bakit ko gagawin iyon? Aber? Who you? Sino ka ba?" Ang kapal naman nitong si Danger. Anong akala nito sa kanya? Katulong niya?
Sinubukan niyang bawiin ang kamay pero mahigpit ang hawak doon ni Dan at pinupunas na sa pisngi nito gamit ang towel na binato sa kanya.
"I am Danger Fischer," sagot nito.
Gusto niyang tampalin ang noo dahil sa pagiging literal ni Dan.
"Who you nga ulit!?" inis niyang saad.
"Lady, I have my own terms and condition para ganahan akong suyuin ka. It's a give and take process you know."
Kumunot ang noo niya. Anong pinagsasabi nito? Ano pala, kaylangan niya pang sundin ang rules ek-ek na yan para ligawan siya ni Danger!? Siya pa pala ang maga-adjust?! Saka bakit napunta doon ang usapan? As if naman magpapaligaw siya!
"Kapag niligawan kita, obligasyon mong alagaan ako," ani Danger habang pinupunasan ang pawis sa mukha pababa sa panga gamit ang kamay niya.
"You will ask me four times a day kung kumain na ba ako o hindi pa. You will prepare my breakfast, lunch, snacks and dinner--at iyon ay dahil nililigawan kita."
"A-ano ba!" aniya nang nasa dibdib na nito ang kamay nila. Ramdam niya ang pagkabog ng dibdib nito. Sa mga oras na 'yon ay gustong gusto na niyang bawiin ang kamay.
"Obligasyon mo ring lambingin at pagsilbihan ako sa mga gusto ko, dahil pangalawang rason-- nililigawan nga kita," ani Dan, hindi pa rin siya iniintindi.
"Lalambingin mo ako kapag mainit ang ulo ko. We will cuddle, kiss, and make out dahil nililigawan kita," dagdag pa nito.
Ramdam na ramdam na niya ang pamumula ng pisngi dahil nasa abs na ni Danger ang kamay nilang dalawa. Nangangatog ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nito. Pakiramdam niya'y ginagayuma siya kahit walang batayan.
Gusto niyang magalit sa mga pinagsasabi nito pero dahil ang atensyon niya ay naka-focus na lamang sa sexy-ng katawan ni Danger; hindi na siya makapalag pa, lalo na't umiiral na naman ang malanding side ng utak niya.
Ito ang unang beses na nakahawak siya ng abs. At ang tigas nga. Enebe!
"Pagsisilbihan mo ako sa lahat ng mga bagay habang nililigawan kita. Para naman kung hindi pala kita magustuhan, hindi masayang 'yung effort ko sa 'ting dalawa. Ganun lang kasimple."
At doon lamang tila natauhan si Tempest nang bumungad ang mapang-asar na ngisi ni Danger sa kanya. Muling nanumbalik ang inis at rason niya kung bakit ba talaga siya pumunta dito.
Inis niyang binawi ang kamay saka nandidiring umatras dito. "Ang kapal mo naman Danger. Sana pala kumuha ka na lang ng katulong kung iyan ang tingin mo sa mga niligawan mo. Saka hoy! FYI lang ha. Mataas ang standards ko! Hindi ako magpapaligaw sa 'yo ano! Ayaw ko sa mga sigang-barumbadong-tambay na nagngangalang Danger Fischer!"
Natigilan si Dan. Akmang may sasabihin pa si Tempest nang mapansin ang pagdilim ng mukha nito. Umigting na din ang panga nito--katulad ng madalas niyang nakikita kapag galit ito sa mga nakakaaway niya. Wala na ang mapang-asar na ngiti nito at nakakuyom na din ang mga kamao.
"D-Danger." Umatras si Tempest. Gustuhin niya mang kumaripas ng takbo ay hindi niya magagawa dahil nakaharang si Dan sa pinto.
"So, what brings you here, then? Alam mo palang barumbado ako, bat ka pa nagpunta dito!?"
Tumikhim siya, pilit pinapatatag ang sarili. "Iyon ay dahil sa pambibintang mo! How dare you na sabihan akong butas ang leggings at kita ang dilaw na panty ko? Hoy Danger, just so you know, wala akong dilaw na panty! Imbyerna ka!"
Umangat ang sulok ng labi nito. "Oh really?" anito, tila kunwari'y napa-isip. "Let me check then. Baka naduling lang ako kanina."
Napaatras pang lalo si Tempest nang humakbang papalapit sa kanya si Dan.
"A-anong check! Nahihibang ka na! Tigilan mo ako!" Hindi uto-uto si Tempest. Alam niyang pinaglalaruan siya nito! Lalo na't nakaukit na naman ang pilyong ngiti nito!
"No. I really want to see your underwear kung naduling lang ba talaga ako kanina o ano."
"Uuwi na ako--Oh my God!" napatili siya nang bigla siyang pihitin ni Danger paharap sa kahoy na sofa.
"No. I insist. I will apologize to you kung totoong ngang hindi butas ang leggings mo at hindi dilaw ang panty mo. So, let me see it. Kaya tuwad!"
Napa-singhap si Tempest nang paluhurin siya bigla ni Danger sa sofa saka tinampal ang kanang pisngi ng pang-upo niya.
Oh my God! This is rape!