MULA sa mga abalang mga tao ay hindi maiwasang mahilo ni Tempest. Napaka-busy ng mga ito at paroon at parito. Kanina niya pa pinagmamasdan ang mga empleyado sa kompanya ng asawa ng Tita Mercy niya. May mga relax at tila natataranta gayong nandito ang madame nila at pinapakilala siya bilang pamangkin. Ngayon ang simula ng training ni Tempest bilang sekretarya ng Tito Clint niya. Kahit kaylangan ay pinasadahan lamang nito ng tingin ang credentials niya. Napatango tango pa ito nang makita ang experience niya sa kompanya ni Stone Contreras. "Mitchie will going to tell you what will yo do here. She will train you," ani ng Tita M niya habang kaharap ang babaeng brunette ang buhok. Mula ito sa human resources department. Tumango dito si Tempest. Wala siyang planong kaibiginanin ito at wala siy

