"HOW was your day as the secretary of my hubby, my beautiful Pamangkin?" bungad na tanong ng Tita Mercy niya kinagabihan kay Tempest. Ngumiti si Tempest bago nagmano dito. "Ayos lang Tita," tipid na sagot niya. Parang katulad lang din naman sa ginagawa niya noon sa kompanya ni Stone ang ginagawa niya ngayon bilang sekretarya. Ang kaibahan nga lang ngayon ay lutang siya at hindi mawala sa isipan niya ang impormasyong nalaman niya kay Mitchie. Sobrang sakit lang sa parte niya. Isang buwan ang nakalilipas simula nang tapusin ni Danger sa kanila at ngayon malalaman niya na ikakasal na ito. Anu iyon? Pagtapos ng sa kanya ay agad nakahanap ng iba si Danger? O baka naman ay ang nanay ni Kartini ang pakakasalan nito? "O siya, go to your room now at magpahinga. We will have a dinner later at th

