GUSTONG mapairap ni Tempest. Para saan ang pagpukol ni Danger sa kanya ng masamang tingin? Ang kapal naman nitong umakto ng ganoon na tila nagseselos. Broken hearted lang siya. Basag lang ang puso niya ngunit ayaw niyang mag-assume na nagseselos ito sa ginawa ni Ford na paghalik sa kamay niya. Hindi siya assumera. May fiance na iyong tao. Imposibleng magseselos ito sa nanlalandi sa ex niya. Of course mas matimbang ang present kaya sa past. "Oh no no. Don't believe, him, Tempest. I ain't playboy," mabilis na paliwanag ni Ford, pinagtatanggol ang sarili habang sinamaan ng tingin si Danger na ngayon ay nakapamulsa na ang dalawang kamay sa tuxedong suot. Napairap si Tempest sa isipan niya bago ipinaskil ang kanyang malawak na ngiti kay Ford. Inihakbang niya ang kanyang mga paa saka lumapit

