IMBIS na magmukmok ay ganadong bumangon si Tempest sa kama kinabukasan. Sa kabila ng hilo at pagkasukang kanyang nararamdaman ay pilit niya iyong nilabanan. Hindi pwedeng magmukmok. Matapos ang nangyari kagabi sa guest room ay desidido na si Tempest. Wala na ang pagmamahal. Bagkus ay galit na ang umaapaw sa kanyang puso. Kagabi, gustong gusto niyang saktan si Danger. Pero dahil namumuhi siya dito at ayaw nang titigan ang mukha nito, tahimik niyang inayos ang kanyang itsura at tila walang nangyaring bumangon sa kama at tahimik na lumabas ng guest room. Taas noo pa siyang naglakad at boong may pagmamalaki. Hindi na siya bulag sa pagmamahal niya dito. Natauhan na siya. At gusto niyang sampalin ang sarili sa pagpapakatanga kay Dan. Akalain mo iyon. Sa ganda niyang iyon at rumaragasang alind

