BAGAMANAN ay natigilan sa narinig mula kay Danger ay hindi iyon pinahalata ni Tempest. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Pasimple niyang hinaplos ang kanyang puson. May buhay na siyang dinadala. Gusto niyang mapaiyak sa saya. Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Danger ay masaya siyang malaman na nagdadalang tao siya. "I said you're pregnant..." Mula sa malalim na pag-iisip ay napalingon si Tempest kay Danger nang muli itong magsalita. Napabuga siya ng hangin at ngumisi. "Ano naman sa iyo kung buntis ako?" puno ng pang-iinsultong saad niya. Ano ngayon kung buntis siya? Asa namang maghahabol siya dito at paaakuin niya ang anak niya. Ikakasal na ito. Ayaw niyang makasira ng relasyon ng iba. Umigting ang panga ni Danger at mahinang nagmura. Mayamaya lang din ay pumungay ang mga mata ni

