“HINDI mo ba sasagutin iyang telepono mo? Kanina pang panay tunog. Noong isang araw pa.” Mula sa pagkakatulala ay napalingon si Tempest sa nanay niya. Napakurap-kurap siya at umiling. Napakagat siya sa kanyang pang ibabang labi at tumungo. Kumuyom ang mga kamao niya. Humigpit ang hawak niya sa cellphone niya. “Anak. Alam kong may problema ka. Noong isang araw ka pang ganyan na lutang at parating tulala. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ng nobyo mo. Nag-away ba kayong dalawa?” nag-aalalang tanong ng nanay ni Tempest sa kanya. Mula sa pagkakadungaw sa pinto ng kanyang kwarto ay dinaluhan siya nito. Naupo ito sa kanang bahagi niya at inakbayan siya. Hinaplos nito ang likod niya. At dahil doon, kusang nagsiunahan sa pagtulo ang mga luha niya. “Pwede mo naman iyon i-kwento sa akin. Mak

