“GIRL, ang haggard mo. Hindi ka na iyong Diyosang Tempest dito sa barangay niyo,” puna ng kaibigang si Chona kay Tempest. “Baka mapalitan na iyang trono mo ng mga insekyurada r’yan sa kapitbahay niyo,” dagdag pang sambit nito. Ngunit tila wala lamang naririnig si Tempest at nakatulala lamang ito sa laptop na nasa harapan niya. Inaabangan niyang tumawag sa kanya si Danger kahit isang linggo na ang nakalilipas at hindi na ito tumawag sa kanya magmula nang tapusin ng huli ang relasyon nila. Sobrang nasasaktan si Tempest. Hindi niya akalain na mauuwi sa ganito ang lahat. She tried to send him a message through skype and email, explaining kung ano ba talaga ang nangyari. Ngunit sa sampong chat niya, ni isa ay walang reply si Dan. She felt hopeless already. Pakiramdam niya ay ito na ang kar

