"HINDI mo pa rin ba kakausapin?" Mula sa monitor ng mga CCTV ay bumaling ang paningin ni Tempest sa Tita Mercy niya. Nasa library sila ngayon at pinapanuod ang ginagawang paglilinis ni Danger sa second floor ng mansion. "Bakit ko naman gagawin iyon, Tita?" masungit na saad niya at muling itinuon doon ang paningin. Isang linggo na ang nakalilipas matapos ang press conference na ginawa ni Danger. Isang linggo na rin itong laman ng balita at sa mga social media sites. Curious ang mga tao kung sino daw ba ang ipinalit ni Danger sa napaka-eleganteng si Guin Anderson. Naaalala pa ni Tempest kung paano magbulong bulungan ang mga media nang ipahayag ni Danger na may mahal siyang iba kaya inuurong niya ang kasal. Madami pang naging tanong ang media. Pero isa lang ang tumatak sa isipan ni Tempe

