TILA nanigas naman ito sa kanyang kinauupuan saka kumalas ng yakap sa kanya at tiningala siya. "Okay, but promise me, hindi mo ako pagtatawanan,” may pag-aalangang saad ni Danger. Nagsalubong ang magkabilang kilay niya. "At bakit naman hindi? Paano pala kung nakakatawa talaga? ‘Di pipigilan ko sarili ko sa pagtawa? Baka sumakit pa t'yan ko nun,” pangangatwiran ni Tempest. Nailing naman si Danger, hindi inintindi ang sinabi niya saka muli siyang niyakap. Ang isang kamay nito ay kumilos saka nilagyan ng alak ang dalawang kopita sa mesa. Tag-isa silang dalawa. "Okay, so, I am not lying about the fortune teller and I am cursed—thing." Nagsimulang magkwento si Danger. Pilit niya itong inuunuwa kahit na ba'y hindi naman talaga ito kapani-paniwala. Paanong sumpa saka manghuhula? To think na

