"NAGKAAYOS na kayo?" Bungad na tanong ng nanay ni Tempest sa kanya matapos maabutan sina Danger sa bahay nila kanina. Alas otso na ng gabi at kaaalis pa lamang ng mag-ama. Sumalo na rin ito sa hapunan nilang magpamilya at pinakilala ang anak na si Kartini. Nag-usap din ang ama niya at si Danger kanina. Kung ano ang pinag-usapan, 'yun ang hindi niya alam. Nag-iwas ng tingin si Tempest. "Parang oo na hindi, Nay. Hindi naman pwedeng patawarin ko kaagad siya lalo na sa ginawa niya." "Kaya nga nandito at gustong magpaliwanag sa 'yo, di'ba? Sa tingin ko naman ay hindi iyun seryoso kung hindi dadalhin ang anak dito." Nangunot ang noo ni Tempest. "Kayo ba'y hindi galit sa damuhong 'yun? Nay, sinaktan pa rin ako ni Danger--aray! Nay naman eh!" Hinaplos ni Tempest ang tagiliran niyang kinurot

