PAREHONG mainit ang ulo ni Tempest at Danger. Walang nagpapatalo sa kanilang dalawa. Ang rason ng huli ay nagagalit ito't naabutan sina Tempest at ang CEO na halos magkahalikan na sa sobrang lapit ng mukha nang pinupunasan ito ng tissue. Samantalang si Tempest naman ay nagagalit at hindi sinabi ni Dan na janitor ang in-apply-an nitong trabaho. Ang malala pa'y sa pareho pa silang kompanya na dalawa. "Answer me Danger! Naiinis ako sa 'yo. Bakit hindi mo sinabi na doon ka nag-apply sa CGC!?" Hinilot niya ang sintido matapos bumaba sa motor nito. Gabi na at kadarating pa lamang nila galing opisina. Wala sana siyang plano sumabay dito kung hindi lamang siya nito hinintay sa tapat ng kompanya. "Why? You didn't tell me either that you're working there, right? You think, I wouldn't know what

