MARUPOK, iyan ang tingin ni Tempest sa sarili sa mga sandaling ito. Anong kahibangan ang pumasok sa isipan niya't nagawa niya ang bagay na 'yon kasama si Danger samantalang hindi niya naman ito kasintahan. Isa siyang pukmaro! Walang hiyang lalake 'yon! Inakit siya! Kanina pa pagulong-gulong si Tempest sa kanyang higaan at sinusubukang matulog pero mas nangingibabaw ang ginawa nila Danger kanina. Hindi ito maalis sa isipan n'ya't lalo na ang mabibigat na paghinga nito sa puno ng kanyang teynga ay naiisip pa rin niya. Sabayan pa ang pakiramdam na nasa pagitan niya pa rin ang kamay ng binata at pinapaligaya siya. Kahihiyan ang inabot ni Tempest. Kaya bago pa man siya mahila ni Danger sa bahay nito'y nag-walk out na siya. Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makarating sa bahay nila k

