I know everyone in this world is currently fighting their own personal battles. I was taught not to make something small big because there’s surely someone out there probably fighting a worse battle than mine, but what can I do? I feel like my battle is too much for me.
And I know I shouldn’t invalidate my own battle just because of the fact that someone has bigger problems than mine. I won’t accept that thinking. Every battle shouldn’t be invalidated and every person in this world shouldn’t feel so invalidated just because of that thought.
“You what, Miss Vasquez?” Hindi makapaniwala ang punong guro sa tinuran ko. Hindi pa ba sila sanay sa akin? Simula yata nang pumasok ako sa paaralang ito, puro problema na ang dala ko
Salamat sa yaman ni Daddy at hanggang ngayon, nandito pa rin ako at nakakapag-aral. Ayoko ng ganoon ngunit hindi ko itatanggi na natutuwa akong gastahin ang mga ibinibigay niya. Besides, kulang pa iyon at hindi iyon ang gusto kong ibigay niya. I don’t even freakin’ care if he’s as poor as a rat as long as he’ll give me the attention that I deserve as his daughter pero wala. Nandoon siya, nagpapakasaya kasama ang ibang pamilya niya habang ako rito, na original, hindi pinapansin.
“Ako ang po nagpasok ng alak here sa school and ako rin ang nagbigay kay Leosa. I used the name of her crush as an excuse para inumin niya. Hindi ko naman po inasahan na iinumin niya nga talaga. She’s dumb,” paliwanag ko ngunit ang panghuling sinabi ay ibinulong na lang. Masama ugali ko, oo pero alam ko kung kailan ako rerespeto at kung sino ang bibigyan ng respeto. Clearly, kasama ang mga guro sa bibigyan ko ng respect dahil hindi nila deserve ang mabastos. And ayokong mambastos ng guro because my mom herself is a teacher.
“Community service sana ang ibibigay kong punishment sa iyo dahil umamin ka naman sa mali mo pero gusto mo ba talaga ng suspension? How many days? Three?”
Umiling agad ako. “I want a week of suspension po.”
She raised her eyebrows while looking at me with disbelief. Ayaw ba nila no’n? Isang linggong walang Penelope sa buhay nila. Walang Penelope, walang gulo at stress.
“Look, what you did is not really that serious. I think hindi deserve ang one we-“
“One week suspension or gagawa ako ng gulo na mas malala?” I know I am becoming disrespectful but I really want them to suspend me. Excited na akong humiga maghapon sa kwarto ko, isipin kung ano ba ang kulang sa akin bakit tila walang pakialam ang mga magulang ko sa akin.
Gusto kong humiga maghapon at tumulala sa kisame.
Kahit mukhang alangan, pinagbigyan pa rin nila ako sa gusto kong suspension. Bukas ay hindi na ako papasok, up until Monday.
Mom picked me up that day at inasahan ko na sa school pa lang ay pagagalitan na niya ko just like the usual pero nakangiti niyang kinausap ang principal, not showing any signs ng sermon.
But I was wrong. The moment na bumaba ako sa kotse pagkadating sa bahay, nagsimula na siya sa mga lintaya niyang kayang-kaya kong i-recite kahit na tulog pa ako.
Ever since yata na nagsimula akong gumawa ng mga gulo ay ito na ang mga linya niya. Minsan ay sinasabayan ko pa siya sa isipan ko.
“Hindi ka ba nahihiya? Your mom’s a teacher and yet, ganiyan ka? Sa tingin mo, ano na lang ang iisipin ng ibang tao, ha, Penelope Fox?”
I didn’t answer. Kung sumagot ako sa tanong niya ay sasabihin niyang wala na akong respeto at sumasagot-sagot na ako sa kaniya so I tightly shut my mouth para mapigilan ang kung ano mang salita ang gustong lumabas sa bibig kong walang preno madalas.
“You’re old enough para malaman kung ano ang tama at mali. For Pete’s sake, grade nine ka na! Ayusin mo naman na ang buhay mo dahil hindi habang buhay ay kasama mo ako!”
That’s why I’m doing this, mom. I know naman na hindi habang buhay ay kasama ko sila but hindi ba nila alam na kahit ngayong buhay pa sila, pakiramdam ko ay hindi ko na sila kasama? That’s the sole reason kung bakit mas pinili kong ganito ang mga gawin sa buhay ko dahil gusto kong mapansin nila ako. Gusto kong palagi nila akong nakikita kasi the moment na manahimika ko at hindi nila ako pansinin, baka mag tuloy-tuloy at tuluyan na nilang makalimutan na may anak pala silang Penelope Fox ang pangalan.
Natatakot ako na baka kung hindi ako gagawa ng paraan para mapansin nila, baka tuluyan na akong malamon ng dilim na pilit kong iniignora. Baka tuluyan na akong malamon ng mga monster sa isipan ko. Natatakot ako.
Nang hapon ding iyon ay lumabas ako. Hindi ko nakita si Mama sa sala kung saan siya madalas naggagawa ng kaniyang mga gawain kaya siguro ay nasa kwarto or library siya. Hinayaan ko na lang dahil naririnig ko na ang sigawan ng mga bata sa labas.
Isinara ko ang malaking gate namin saka tumakbo paliko sa kaliwang bahagi ng bahay namin kung saan madalas naglalaro ang mga bata.
Dinatnan ko silang naglalaro ng habulan. “Sali ako, ako taya! Ang mahuli, tatanungin si Aling Marta kung bakit siya tsismosa!” Sigaw ko na nagpahinto sa paglalaro nila.
Taas kilay akong tinignan no’ng batang babae na mataray pero chaka naman. “At bakit ka naman namin papayagang sumali sa amin, tingin mo bati ka namin?”
Kahit bata siya, hindi ko siya aatrasan. Ngumisi ako saka unti-unting lumakad palapit sa kaniya. “Ah, talaga?”
“Oo! Hindi ba, ‘di natin siya isasali?” Binalingan niya ang mga kalaro niyang hindi kumibo.
Imbes na sa kaniya ituon ang atensiyon ko, nabaling ang tingin ko sa tindahan, tatlong bahay lang ang layo mula sa bahay namin.
“Masyado ka kasing papansi-“
Mabilis kong itinulak ‘yung bata pagilid saka nakangiting lumapit sa tindahan. Kumpleto ang mga tsismosa naming kapitbahay kaya sila na lang pag ti-tripan ko. Isa pa, kasama nila si Aling Marta na magugulatin.
Bago makalapit ay binagalan ko ang lakad papunta sa likuran ni Aling Marta saka… “Putanginang tarantadong palakang hubad!” tinusok ang magkabilang bilbil niya gamit ang daliri ko.
Pasimpleng tumawa ang mga nakakita ngunit ako ang may pinakamalakas na tawa sa kanila. Ang mukha niya, mukhang koala na nagulat!
“Tarantadong bata ka!” Sigaw niya sabay nang pagsubok na hablutin ako. Mabilis akong tumakbo, umasang hindi niya ako hahabulin ngunit nagulat ako nang tumakbo rin siya.
Panay ang tingin ko sa likuran sa takot na mahabok niya ako. Ito ang unang pagkakataon na hinabol niya ako kaya hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o matatawa pa rin.
Patuloy ako sa pagtakbo patalikod, pinapanood kung paanong tumakbo ng mabilis si Aling Marta para kang magabol niya ako.
“Hoy tignan mo dinadaanan mo!” Sigaw niya. Tumawa lang ako saka mabilis na umikot para makita ang dadaanan ko ngunit huli na ang lahat.
Naitukod ko ang dalawang kamay ko sa semento habang nakapikit ang mga mata at pilit na tinitikom ang bibig. Malakas na tawanan ng mga bata ang narinig ko kasabay ng iilang bulungan ng mga matatandang nakakita.
Ayos lang sana kung madapa ako pero kasi, isang malaking tambak ng tae ng kalabaw ang nasa harapan ko, nag aabang sa mukha ko. Ang amoy nito ay talaga namang pinapasok hanggang kasulok-sulukan ng utak ko.
Mabuti na lang talaga ay naitukod ko ang kamay ko kung hindi, ewan ko na lang.
Naramdaman ko ang kamay ni Aling Marta sa braso ko na pilit akong pinapatayo. “Napakasutil kasi, ayan tuloy. Pasalamat ka at hindi mo nahalikan iyang tae. Umuwi ka na at magpakabait, nakakarma ka tuloy!” Lintaya niya habang tinutulungan akong tumayo.
Pagkatayo ay nagpasalamat lang ako saka iika-ikang tumakbo pauwi. Nakakahiya! Ang dami-dami nilang nakakita at sigurado, aasarin ako no’ng mga bata sa labas oras na makita nila ulit ako.
Pagkapasok sa bahay ay mabilis akong yumuko para tignan ang sugat sa tuhod ko. Isang tuhod lang ang nasugatan pero ang magkabilang palad ko ay puno ng galos.
“Anong nangyari sa iyo?” Nilingon ko si Mama na matamang pinagmasdan ang buong katawan ko. Nahinto ang tingin niya sa tuhod kong may gasgas. “Nadapa ka?”
“Opo,” ani ko sabay tango.
Walang imik siyang tumalikod at dumiretso sa kusina. Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang bumalik siya at tinawag ako. Hawak ang first aid kit sa kanang kamay, itinuro niya ang sofa sa sala kaya imbes na papunta sa kwarto ay doon ako dumiretso.
“Bakit kasi hindi ka nag-iingat. Ang tanda-tanda mo na, nadadapa ka pa,” aniya. Hindi ako kumibo. Umupo ako sa sofa at hinintay siyang gamutin ang sugat ko ngunit nagulat ako nang ilapag niya sa kandungan ko ang kit. “May povidone-iodine riyan at bulak, gamutin mo ang sugat mo, baka ma-infect. Sa library lang ako at gagawa pa ako ng exams ng mga estudyante ko.” Pinanood ko siyang iwan ako at umakyat sa itaas na parang wala lang.
Akala ko pa naman ay grabe na ang pagaalala niya. Akala ko, gagamutin niya ang sugat ko. Mas importante pa ha ang exams ng students niya kaysa sa anak niyang may sugat? At isa pa, hindi naman aabutin ng ilang oras ang panggamot, hindi pa ba niya maibibigay ang ilang minutong atensyon niya sa akin?
Sana maging estudyante na lang niya ako para naman palagi niya akong binibigyan ng atensyon. O ‘di kaya ay maging testpaper o syllabus na lang ako para ilaan niya sa akin ang lahat ng oras niya. Hindi ‘yung ganito na anak nga niya ako pero hanggang ‘don na lang iyon. Anak na pinagkaitan ng oras at atensyon.