bc

Luscious Crime

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
forbidden
kickass heroine
twisted
bxg
serious
office/work place
small town
enimies to lovers
lawyer
passionate
like
intro-logo
Blurb

They say life is a game of gamble where we always play and pray that luck will be on our side. Penelope Fox Vasquez believes that. But she believes that luck is mad at her as her life’s a mess she kept on hiding and hiding until people that surrounds her will never ever notice her sadness.

She’s doing everything to gain people’s attention that her parents failed to do so but still, the universe decided to mess with her, letting her met the man who will ruin her life.

On the other hand, Euclid Aakil Ruiz is a noble man who helps people gain justice. He is the ‘little monster of court rooms’ as he always wins on the cases he’s holding. He’s true to his word and very dedicated to his work, not until he met Penelope, who made him confused in his decisions and made him choose between career and love.

The game of their life is confusing. Penelope doesn’t know if it’s her being unlucky or finally, luck decided to be on her side as she met the handsome but over confident attorney, Euclid Aakil Ruiz. Euclid, on the other hand, felt like his lucky time finally ended.

Will Euclid be Penelope’s personal luck or will he be her black cat that brings bad luck? What will Euclid choose? Love or career? It is indeed a gamble, no one will know the answer unless they will try to see it themselves.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Hoy, huwag mo na kasing ituloy at baka mapahamak ka pa!” Natatawang ani ni Mika. Pasimple kong inalis ang kaniyang kamay na pilit humahatak sa aking kamay para lang mapigilan ang ginagawa ko. “Sinasabi ko sayo, Penelope, kapag ikaw napahamak diyan, wag na wag mo akong idadamay, lintik ka!” Tinawanan ko lamang siya saka nakangising ipinagpatuloy ang ginagawa. “Iwan mo na ako rito. Hanapin mo na lang si Leosa the epal para alam ko kung saan siya pupuntahan mamaya. Akala ba niya aatrasan ko siya?” Pinagpagan ko ang kamay ko nang matapos na sa ginagawa. Tinitigan kong mabuti ang bote ng iced tea na binili ko kanina at napangisi nang makitang perpekto ang ginawa ko. “Itutuloy mo talaga? Saan mo itatago ‘yan?” Nilingon ko ang iningunguso ni Mika ang bote ng isnag kilalang alak na binaon ko. “Kapag may pumasok na taga linis o kaya ay ibang estudyante, siguradong makikita nila iyan dito.” “Bahala sila. Sa dami ba naman ng estudyante rito, alam ba nila kung kailan at anong oras pumasok ang isang estudyante sa banyo? Hindi. Kaya huwag kang mag-alala at hanapin na lang natin si Leosa.” Humanda talaga sa akin ang babaeng iyon. Upuan ko pa talaga ang napili niyang lagyan ng bubble gum, huh? Tignan natin ngayon ang epekto ng magic iced tea na ginawa ko. Tahimik naming tinahak ni Mika ang corridor papunta sa cafeteria. Panay ang ngisi ko sa mga estudyanteng kusang gumigilid at napapayuko sa tuwing alam nilang makakasalubong ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon sila sa akin gayong gusto ko lang namang makipaglaro. “Good afternoon po!” Masayang usal ko nang makasalubong ang isang guro. Nginitian ko siya at siniguro kong kita lahat ng ngipin ko para naman maramdaman niyang sobrang saya ko. “Good afternoon, Penelope.” Taliwas sa bati niyang tunong nagagalak ang tingin niyang nagdududa sa akin. Mas lalo kong nilakihan ang ngiti bago mabilis na hinatak si Mika palayo. “Kinakabahan ako, Pen.” Binalingan ko si Mika ng ilang sandali. Mukha siyang natatae na hindi ko maipaliwanag kaya imbes na pilitin pa siyang sumama sa akin, marahan ko na lamang siyang tinanguan. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin dahil hindi naman siya magmamadaling umalis at iwanan ako kung hindi niya na-gets ang sinasabi ko. Mag-isa kong ipinagpatuloy ang paglalakad, pilit nag iisip kung paano ko maibibigay itong regalo ko kay Leosa nang hindi siya nag iisip ng masama. Iwan ko na lang ba basta sa lamesang inuupuan nila nang hindi nahahalata? Kaso, baka lalo niyang hindi inumin. Kung mag-uutos naman ako, mas madali nila akong mabubuking dahil posibleng magsumbong ang uutusan ko. Dumiretso ako sa pinakadulong lamesa, bandang kaliwa ng cafeteria. Ramdam ko ang maraming pares ng mga mata na nakatitig sa akin na tila may gagawin akong kakaiba ano mang oras…well, mayroon nga. “Umalis na tayo, pakiramdam ko may gulong mangyayari,” anang isang estudyante na nakaupo sa upuang katabi lang ng inuupuan ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang iparinig sa akin o sadyang tanga siya at hindi naisip na maririnig ko siya. Walang hiya kong silang tinitigan kasabay ng pagtaas ng kanang kilay ko. Kitang-kita ang bahagyang pagtaas din ng kilay ng kasama noong babaeng nagsalita. “Sigurado. Kung nasaan si Penelope, nandoon din ang gulo,” aniya saka marahang inilipat ang tingin sa akin, nakataas pa rin ang kilay. Imbes na patulan ay pairap ko na lamang iniiwas ang mga mata ko. Leche, bahala kayo riyan. Hindi ko sasayanhin ang energy ko para sa mga taong kagaya ninyo. Isa pa, kakailanganin ko ang lakas ko para mapanood ng maayos ang ano mang gagawin ni Leosa mamaya. I got so bored. Halos thirty minutes na akong nakatanga rito ngunit walang Leosa na nagpakita. Late na rin ako sa klase ko ngunit hindi iyon sapat para sumuko ako sa kahihintay kay Leosa. Kanina pa rin nag te-text si Mika sa akin, hinahanap at tinatanong kung hindi ba ako papasok pero hindi ko nire-reply-an. Malamang ay alam na niya ang sagot sa mga tanong niya pagkat hanggang ngayon ay nandito pa rin ako, sa halip na nasa classroom at nakatulala sa kawalan. Hindi rin naman ako binigo ng paghihintay ko. Tunay nga yatang kapag may tiyaga, may nilaga ngunit ang version ko ay, kapag may tiyaga, mapagti-tripan na Leosa. Tinitigan ko siyang masayang pumila kasama ang mga kaibigan niya upang bumili marahil ng makakain. Binati pa siya ng tindera na halata namang nakikipagplastikan. Alam ko dahil ganiyan siya sa lahat, maliban sa mga scholar ng paaralan. Sa halip na hintayin siyang makalapit, mabilis kong sinulatan ang kulay pink at hugis pusong sticky notes na binili ko pa para lang dito saka iyon idinikit sa bote. Syempre, kinailangan kong gumamit ng isang kakaibang technique na siyang magiging dahilan para inumin ito ni Leosa. Kanina ko lang naalala na may iiisang tao nga palang lubos na pinagkakatiwalaan ang babaitang iyon kaya naman hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Isa pa, hindi naman ako pagagalitan ng taong iyon oras na malaman niya ito, in fact, baka matuwa pa nga siya. Taas noo akong tumayo saka binalingan ang grupo ng tingin ko’y mga grade 8 pa lang na nakaupo malapit sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa akin pero wala akong pakialam. Titigan nila ako hanggang sa magsawa sila sa gandang taglay ko. “Pakisabi kay Leosa, pinabibigay ni Ronnie ‘yung inumin,” usal ko kasunod ng pagturo sa inuming nasa lamesa. “Kanina ko pa doaat iyan naibigay. Pinasasabi rin ni Ronnie na kung hindi niya iinumin iyan ay hindi na niya papansinin si Leosa. Salamat.” I said the last word, feeling disgusted. Kailangan kong ipakita na sincere ako kung hindi, malaki ang tiyansa na pumalpak ang plano ko. Hindi ko na hinintay pa kung sinabi ba talaga ng mga batang iyon ang ipinasasabi ko. Malalaman ko rin naman dahil mamaya ay magkikita rin kami sa room. Dumiretso ako roon at agad naman akong sinalubong ni Mika na mukhang nag-aalala. “Ngayon ko pa lang naibigay pero hindi ko sigurado kung kinuha ba niya. Iniwan ko kang sa table, eh,” paliwanag ko. Marahan kong inilapag ang backpack kong kulay pink sa aking upuan saka tinignan si Mika. Tinanguan niya ako ngunit bakas pa rin ang kaba sa mukha niya. “Pumasok siya sa math dahil ‘yung ST ang nagturo. Hinahanap ka nga ngunit sinabi kong sumama ang pakiramdam mo kaya ka wala.” “Thanks. Anyway, papasok na ako ngayong english dahil siguradong papasok si Leosa. Kailangan kong malaman kung ininom ba niya o hindi.” Habang naghihintay ay hiniram ko ang notes ni Mika kanina sa math para kopyahin. Kahit mahilig akong man-trip ng mga kamag-aral ko at lumiban sa klase ay sinisiguro ko namang hindi ko napababayaan ang mga grades ko. Kailangan kong panatilihing mataas ang mga iyon kung hindi, bye Philippines, hello Faroe Islands na ako. “Paano mo malulusutan iyan kapag nagkabukingan na, Pen? Siguradong matinding kaparusahan ang matatanggao mo.” Sinarado ko ang notebook ni Mika saka iyon iniabot sa kaniya. “It’s either general cleaning, community service, or suspension. Iyan naman ang madalas na parusa nila at goal ko ang suspension dahil pagod ako at gusto ko na lang matulog forever.” Bumakas lalo ang matinding pag-aalala sa mukha ng kaibigan ko. Napakalayo talaga namin sa isa’t isa kaya hindi ko maintindihan kung paano kami naging mag kaibigan. Siya ay never um-absent, never gumawa ng kalokohan, at never nakipag-away hindi gaya ko na nagawa na ang lahat ng iyon. Higit pa nga. “Pero lagot ka kay Ti-“ “Hello, b***h!” Tila nag ensayo ang buong section namin nang biglang sumigaw si Leosa na nakatayo sa may hamba ng pintuan, hinaharangan ang guro namin na taas kilay nang nakatingin sa kaniya ngayon. “Wag ka na pumasok, Miss! Hirap english, eh! Umay,” tumatawang usal pa nito. Palihim akong napangisi habang pinagmamasdan ang namumula-mulang mukha ni Leosa. Maputi siya kaya naman halatang-halata iyon. Mukhang ininum niya ang ibinigay ko, ah? “Excuse me, Miss?” Hindj makapaniwalang ani ng guro namin. “Are you drunk?” Kunot-noo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Leosa na biglang tumawa ay bahagyang itinulak ang guro. Sabay-sabay na napasinghap ang lahat sa ginawa niya habang ang guro ay halos matulala sa gulat. “Please? Uwi na lang tayo, Ma’am! Natatae na ako!” Ang kaninang tatawa-tawang Leosa ay napalitan ngayon ng mangiyak-ngiyak na Leosa. “Ay hindi, aral na lang tayo para utak natin ay matuyo!” At bumalik ulit siya sa pagtawa. Mabilis akong nagkibit-balikat nang mapabaling ang guro sa banda ko ngunit naagaw ulit ni Leosa ang atensiyon niya nang bigla na lang itong sumayaw at kumanta sa gitna ng corridor. Napahinto ang iilang estudyante na dadaan sana habang karamihan sa mga kaklase namin ay tumayo at halos lumabas na ng room para lang makita si Leosa. Let this groove, get you to move, It’s alright, alright Let this groove, set in your shoes, Stand up, alright… Marami ang naglabas ng kani-kanilang mga cellphone para kuhanan marahil ng litrato o video si Leosa na masiglang gumigiling habang kumakanta. Napapapikit pa siya na tila sobrang enjoyment ang nararamdaman niya sa ginagawa habang ang guro namin ay pilit siyang hinahatak para lang mapahinto. Ang ilang kaibigan ni Leosa ay naglabas na rin ng cellphone ngunit ang ilan ay tinutulungan ang guro namin sa pagpigil sa kaniya “Sabi ko na nga ba at alak iyong ibinigay ni Ronnie.” Rinig kong usal nito. “Alak?” Nanlalaking mga mata ang ipinakita ng aming guro. Let this groove, light up your fuse, alright Let this groove, set in your shoes Stand up, alright Let me tell you what you can do With my love, alright… “Please tell me she’s not singing let’s groove by earth, wind, and fire,” anang isa sa mga kaklase ko. Ilan sa kanila ang natawa sa tono ng pananalita ng aming kaklase. “I’m sorry to disappoint you but yeah, she’s singing that song.” Ang buong akala ko ay matatapos ang araw na ganoon lang ngunit nagkamali ako. Pagkatapos mapilit na dalhin sa clinic si Leosa ay kinansela ang klase upang bigyang daan ‘di umano ang pag iimbestiga sa kung paanong nakapasok ang alak sa paaralan. At dahil likas na mabuting bata ako, hindi ko na sila pinahirapan pa. Boring kung basta na lang akong uuwi na hindi man lang nakakatikip ng sermon kaya nang tumayo sa harapan ang guro kasama ang guidance counselor at principal ay prente kong itinaas ang kanang kamay. Lahat ng tao, nasa loob man o labas ng room namin ay nakatingin sa akin. Damdam ko ang bahagyang pagsiko ni Mika ngunit inignora ko lamang siya. Hindi ko siya titignan dahil malaki ang tyansa na kapag ginawa ko iyon, madadamay siya lalo na’t alam ng lahat na magkaibigan kami. Hindi siya maaaring madamay sa gulong pinapasok ko. “I won’t let you get tired investigating on such a small thing,” maarteng saad ko. “I will make this easy for you all so thank me later. Ako ‘yung nagpasok at nagbigay ng alak kay Leosa.” Tinaasan ako ng kilay ng tatlong guro. “Thank you for your honesty, Miss Vasquez. I think alam mo na kung saan pupunta para mapag-usapan pa natin ng pribado ang ginawa mo?” Anang principal habang nakangiti sa akin na halata namang sarkastiko. “Oh, well I’m pretty sure she do, Ma’am. Halos doon na tumira ang batang iyan, eh,” segunda naman ng guidance counselor. Nakangiti akong tumayo at taas noong naglakad palabas, inuunahan ang mga guro papuntang principal’s office. Hindi na sa guidance dahil simula nang halos araw-arawin ko ang panggugulo, dito sa P.O na ako dinadala. Himala nga na hanggang ngayon ay nakakapag-aral pa ako rito. Ibang klase talaga ang nagagawa ng pera. Umupo ako sa sofa saka pinanood ang pag-upo ng principal sa kaniyang swivel chair. “I wish for a suspension. Kahit one week lang,” usal ko, hindi na hinintay pa ang kung anong sasabihin nila. Hell, I will do everything para lang magkaroon ng valid reason to skip school dahil kapag nagtagal pa ako ay baka hindi ko kayanin. I’m so freakin tired of studying, waking up early everyday doing the same thing. I’m so freakin’ tired of this life.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook