Kabanata 108

1656 Words

“Ano raw, may balita na ba?” pangungulit ni Tahnia sa tauhan ni Sebastian. “Nakita na ba nila si mama?” “Miss Tahnia, wala pa pong update, eh,” sagot nito kaya mas lalo siyang kinabahan. Huminga siya nang malalim saka dumungaw mula sa bintana. Hindi na siya mapakali. Kanina pa siya tanong nang tanong. Gusto na niyang sumunod sa totoo lang, pero pinipigilan niya ang sarili. Ayaw niyang dagdagan pa ang iniisip nila Sebastian. Wala siyang nagawa kundi ang manalangin na lang para sa kaligtasan ng lahat, lalo na ng ina niya. Maya-maya pa’y pansin niyang pahina na nang pahina ang mga putukang naririnig niya. Sa isip niya’y baka patapos na ang gulo. Ngunit imbes na makaramdam ng ginhawa ay mas lalo siyang nag-alala dahil paano kung natalo sila Sebastian? Paano kung sila ang naubos at hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD