5 Years Later Tahnia's Point of View "Good morning, madam," bati ko sa boss ko nang makapasok siya sa opisina. "Good morning, Taffy. What's on my schedule today?" nakangiting sagot niya saka siya naupo sa swivel chair at binuksan ang laptop. "You don't have any appointments in the morning, ma'am. But you have a scheduled meeting with your friend at 12:00," sagot ko habang tinitingnan ang notepad ko. "Thanks," aniya at nagsimula nang magtrabaho. Pumunta na rin ako sa desk ko para simulan ang trabaho ko. Binuksan ko ang computer at tiningnan ang mga documents na kailangan niyang mapirmahan sa araw na ito. At habang ginagawa ko 'yon ay sumaglit muna ako ng tawag kay mama. Halos isang linggo na rin kasi kaming hindi nakakapag-usap dahil naging busy ako sa trabaho. Siya naman ay busy r

