Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang taxi na sinakyan ko mula airport papunta sa sakayan pauwi sa barangay namin. Hindi ko inakalang sa ganitong rason pa ako uuwi sa probinsyang kinalakihan ko. I can't believe my mother is getting married with a man I don't know. Ni wala siyang binanggit na pangalan o kahit picture man lang sana. Ipinilit niyang sa personal na niya sasabihin ang lahat, kaya kahit labag sa loob kong umuwi, ay umuwi ako. Hindi pwedeng basta na lang siyang ikasal nang hindi ko nakikilala ang mapapangasawa niya. Hindi ako tutol sa ideyang magkaroon siya ng asawa, ang sa akin lang ay gusto kong masigurong maayos at disente ang lalaking makakatuwang niya sa buhay. Dahil sa totoo lang ay kaya ko na siyang buhayin nang ako lang. Pero alam ko kasing hindi 'yon ang kailan

