Dale Pov.
"Sir, kailangan natin magpadala ng rescue sa Univerity ngayon.. Baka may mga Survivors pa na naiwan dun" ani ko.
"Naiintindihan ko ang pinupunto mo, pero isipin rin natin muna ang mga nailigtas natin. Hindi rin naman tayo 100% sure na may survivors dun"
"Sir.. Andun po yung Kapatid ko sa University na yun. What if May mga Estudyante pang Andun sir? Naghihintay na maligtas?"
"I'm sorry Mr. Problacion, but we need to verify first kung may survivors pa nga na buhay dun. We can't risk our troops there. May Pamilya rin silang Pinoprotektahan, May bansa rin Tayo na Poprotektahan. Do you Understand?"
Napapikit nalang ako sa inis...
'Kapit lang Olivia... Gagawa ako ng paraan para mailigtas ka..'
.
.
.
Alex Pov.
"Shhhh, Quiet" ani ko ng may narinig akong umiiyak sa isang maliit na Kwarto.
"Bakit?" Pabulong na ani ni Olivia.
"Ang Baseball bat, Bilis" ani ko.
"W-wag na kayong lumapit..." natatakot na ani ni Nika.
"Be careful, Alex" bulong ni Olivia. Lumingon ako sa kanya at Tiningnan siya ng ilang segundo.
"Umatras kayo, ako ang lalapit" ani ko.
Tumango sila at Lumapit na ako sa pinto. Huminga ako ng malalim at Tinulak ang pinto.
"Wag po!" I hahampas kona sana ang baseball bat. Natigil ako ng may nakita akong isang Babae. Basa ang kanyang mukha dahil sa pag iyak.
"Sino ka?" Ani ko.
"Adriana?" Ani ni Olivia sa Likod ko.
"Ate Olivia!" Tumakbo ang babae kay Olivia at yumakap.
"Okay kalang na? Nakagat kaba?" Ani ni Olivia.
"Magkakilala kayo Liv?" Ani ni nika.
"Oo, Kasama ko siya sa mga nag repack ng mga Goods sa Gym. She is Adriana"
"Pano ka nakatakas ng ikaw lang mag isa?" Ani ni Shelly.
"H-Hindi ko po alam.. B-Basta ang natatandaan ko lang na... S-Sobrang g**o sa labas. T-Tumakbo ako at.... at..."
"It's okay Adriana, Ang importante ligtas ka. Tara, Pahinga muna tayo doon" Tumango ang Babae at Pumunta sila ni Olivia sa Sulok ng Kwarto at Umupo.
"Ano na ang gagawin natin?"ani ni Nika.
"How about pumunta tayo sa Rooftop? Diba sa ibang Movies pumupunta sila sa rooftop para dun ma rescue?" Ani ni Mike.
"Hindi rin naman tayo sure kung safe doon o safe tayo na makaka akyat doon. Hindi natin alam kung gaano karami ang mga Infected sa labas. At higit sa lahat Mike, WALA TAYO SA MOVIE" ani ko.
"Nagbibigay lang naman ako ng opinion ko, Bakit parang galit ka?" Ani naman ni Mike.
"Pwede ba, manahimik muna kayo" ani ni Shelly.
Lumayo sakin si Mike at lumapit kay Shelly.
Nanahimik muna kaming lahat. Napatingin ako kay Olivia na nakatulog na.
.
.
.
.
Nagising kami ng may narinig kami na nabasag. Pumunta agad ako sa pinto upang masiguro na hindi makakapasok ang mga zombies.
"Ano yun?" Nagtatakang ani ni Nika.
Pumunta ako sa Binta banda. Wala ring naman basag sa bintana namin.
"Baka galing sa labas" ani ni Olivia.
"Tingnan ko lang" ani ko. Lumapit ako ulit sa bintana at binuksan ito.
"Be careful, Alex" ani niya.
"Yes, i will" sagot ko.
Tiningnan ko ang baba at may nakita akong basag na vase sa sahig. Tumingala ako at may nakita akong tao na nakasilip.
"May Tao!"
"Talaga?! Mabuti naman!"
"Sabi sa inyo eh, naririnig ko sila kanina"
Ani ng mga tao sa itaas.
Lumapit narin sila Olivia at sumilip rin sa taas.
"Okay lang ba kayo jan? Wala bang nakagat sa inyo?" Ani ni Shelly.
"Okay lang naman kami, Kayo ba okay lang kayo dyan?"
"Yes, we're fine. Ilan kayo dyan?" Ani ko.
"Apat kaming andito, dalawang lalaki at dalawang babae. Marami ba kayo dyan?"
"Anim kami rito, dalawang lalaki at apat na babae."
"Hinaan niyo lang ang mga boses niyo.." ani ni shelly.
"May mga pagkain ba kayo dyan?" Mahinang ani ko.
"Meron, kinuha namin sa mga bag na andito. Kailangan niyo ba ng tubig at pagkain? May sobra pa kami rito"
"Tubig nalang siguro brad, salamat"
Naghanap kami ng maaring gawing lubid at maaring gawing basket. May nakita kaming lunch bag na walang laman. Tinali namin ang nakita naming lubid sa lunch bag.
"I hahagis ko dyan sa inyo kaya medyo umatras kayo, pag ibababa niyo na unahin niyo ang lunch bag at sasaluhin ko dito" ani ko. Tumango ang lalaki. Hinagis ko ang lunchbag at pumasok ito sa bintana nila.
Naghintay kami ng ilang minuto at binaba na nila ang lunchbag. Pagbukas namin ay may laman ito na limang tumbler na ibaiba. May kasama ring iilang biscuit sa loob. Nagpasalamat kami sa kanila at pinagsaluhan ang mga naibigay samin. May ilang pagkain rin naman kami dito galing sa mga bag rin na andito pero kakaunti lang ang tubig.
"Pano tayo lalabas dito?" Ani ni Nika.
"Kailangan rin nating isama sila sa itaas... Papapabain ba natin sila dito?"
"Masyadong malayo ang Gate satin dito. Pag lumabas tayo dito for sure na maraming zombie ang makakasalubong natin. Kailangan pa nating magtago ulit hanggang sa makalapit na tayo sa gate." ani ko.
"Actually about sa sinabi kanina ni Mike, what if Umakyat tayo sa Rooftop? Well, baka may helecopter na dumaan ma rerescue pa tayo" ani ni Olivia.
"Sa Building diba natin may helepad dun at matibay ang pinto doon kapag may sumunod sating mga zombie hindi sila makakapasok doon." Ani ni Mike.
Hindi rin naman maykalayuan ang building namin dito. Siguro kakayanin naman namin na pumunta.
"Kaya lang kailangan nating maghanda, for sure na maraming zombies tayong makakasalubong." Ani ko.
"Hindi rin naman pwede na dito lang tayo... Kakayanin natin guys.." ani ni nika. Pumayag ang lahat kaya nag handa na kami. Sinabihan narin namin sila sa itaas at ginamit nila ang lubid kanina para makababa dito.
Itali niyo ng maigi para di kayo malaglag. Naunang bumaba ang mga babae at inalayan namin ni mike sila para makababa ng maayos. Sumunod ay ang dalawang lalaki.
Naghanap na kami ng mga pwedeng ipang laban namin. Gamit parin namin ang baseball bat na kinuha namin sa Gym kanina. Naghanap naman ang iba.
Pagkatapos naming maghanda ay pumwesto na kami.
"Let's go guys..." i said...