TAOZ- 10

1026 Words
Dale Pov. "Sir, maghintay nalang po kayo. For sure magpapadala rin sila ng rescue sa School nayun" ani ni Mark kasamahan ko sa trabaho. Kasama rin namin si Carl. "Sa bawat oras na maghihintay ako dito ay nalalagay sa panganib ang kapatid ko. Hindi niyo ako naiintindihan dahil ligtas na dito ang pamilya niyo. " pinasok ko ang b***l ko at mga bala sa bag na dadalhin ko. Napansin ko na naghahanda narin si Mark at Carl. Naglalagay sila ng mga gamit sa bag. "Ano ang ginagawa niyo!" Ani ko. "Sasama kami sir, wala man kaming naiwan na pamilya sa labas. Pero sundalo parin kami. Trabaho natin ang mangligtas." Ani ni carl. "No, hindi kayo sasama" pagmamatigas ko. Olivia Pov. "Let's go guys..." ani ni Alex. Binuksan namin ang pinto at sinalubong kami ng mga zombies. "Bilisan natin!" Ani ko. Hinampas ko ng baseball bat ang nasa harap ko at tumakbo. "Takbo Bilis!" Ani ni Shelly sa iba pa naming mga kasama. Marami kaming nakasalubong, nakakalungkot lang isipin na ganito karami ang mga nawalan ng buhay dahil sa outbreak nato. Nauna akong tumakbo sa Building namin at buong lakas na inihahampas ang hawak ko na baseball bat. "Mayroong apat na floor ang building namin. Sa ilalim ang faculty room at Cr. Sa second floor may iilang classrooms andun rin ang science lab at others office pa. Then sa thirdfloor ang Clinic para sa building namin. Kada building ay may clinic. May iilan rin classrooms and sa fourth floor lahat na ay classrooms and last ay ang rooftop which is andun ang helepad." Nang makarating na kaming lahat ay nauna na akong umakyat para i check. Lumapit sakin si Alex at tumabi sakin. "Wag ka ngang aalis na mag isa, ano akala mo sa sarili mo immortal?" Ani niya. Hindi ko nalang siya pinansin. Nasa Thirdfloor na kami at maraming zombies na ang sumusunod samin. "Mahihirapan na tayong maka akyat ngayon, Maghanap muna kayo ang pagtataguan natin!" Ani ko. Apat kami nina Alex, Mike at Shelly ngayon ang nakikipaglaban sa mga zombies habang naghahanap ng rooms ang iba. "May room na walang infected dito, pero naka lock ang Pinto" ani nila. Tumakbo si Alex at hinampas ng baseball bat ang bintanan. Sliding window ang mga bintana dito na kung walang glass ay makakadaan ang tao. Lumingon ako sa kanila at nakita ko na nabasag na ni Alex ang bintana. Napansin ko rin na duguan na ang kanang braso niya. "Pumasok na kayo dali!" Ani ko. Umatras kami hanggang sa makalapit na sa kwarto. Nakapasok na ang lahat at ako nalang nag naiwan sa labas. Sinipa ko ng buong lakas ang zombie na nasa harap ko at dali daling pumasok sa Classroom. Tinakpan agad nila ang basag na bintana ng malaking cabinet. Lahat kami ay nasa cabinet at tinutulak ito upang hindi matumba ng mga infected. Umalis si Alex at tinulak ang malaking kahoy na lamesa. Lumapit rin si Mike at tumulong sa pagtutulak. "Tabi!" Umalis kaming lahat at tinulak nila Alex ang lamesa papunta sa cabinet kaya mas tumibay ito. Napa upo kami sa sahig sa sobrang pagod. "Wala parin namang nagbago, nagtatago parin tayo ulit" ani ni shelly. Napatingin ako sa mga kasama ko. Lahat kami Basa na ng pawis at hingal na hingal. "Mabuti narin naman to, Atleast malapit na tayo sa rooftop" ani ni Nika. . . . . Lumapit ako sa Bintana at tumingin sa labas. "Malapit na pala gumabi..." ani ko. "Check niyo nga kung may signal na" ani ni Shelly. Nilabas ni Alex ang phone niya at lumapit ako sa kanya. Pinindot niya ang button pero di na nagbubukas. "Lowbat na ako, sayo Mike?" Tumingin kaming lahat kay mike. "Mero pa ako mga 15%" Lumapit kaming lahat kay Mike. Sinilip ko ang phone niya at nagkakasignal na. "Tingnan mo sa mga social media, sayang lang kung tatawag lang tayo wala narin namang sumasagot" ani ko. Pinindot niya ang f*******: at tumambad samin ang mga Post sa newsfeed. Ang iba ay nakapag live pa at humihingi ng tulong. Marami rin ang naka video. Scroll lang kami ng scroll hanggang sa may nakita kaming post. Mikaela Bernando. 9 hours ago. Everyone! Sa lahat ng makakakita ng post nato ay nasa military base kami na malapit sa Dhellion Church! Andito po kami, marami pa kaming survivors dito. Pumunta po kayo dito, maraming mga sundalo dito na nagpapatuloy ng mga survivors. Patuloy papo ang rescue operation ng mga Sundalo dito, kaya wag po kayong mawalan ng pag asa. "Dhellion Church? Diba hindi naman ganon kalayo satin dito?" Ani ko. "Oo, pero kailangan pa nating dumaan sa police station at Hospital bago tayo makarating doon. Mahihirapan rin tayong bumaba rito dahil sa dami ng mga zombies." Ani ni Mike. "Umakyat nalang tayo sa Rooftop, sabi sa post na tuloy parin ang rescue operation. For sure na may dadaan na mga helicopter sa taas" ani ni Nika. Sinabihan muna namin si Mike na tipirin ang battery ng phone niya. Napagkasunduan namin na bukas nalang kami aakyat at magpahinga muna ngayong gabi. Dahil sa hindi kami makatulog lahat ay nagtipon tipon kami at bumuo ng bilog. Kinain namin ang natira naming pagkain kanina. "Hindi pa pala namin ipinapakilala ang sarili namin. Ako pala si Alice, siya naman ang boyfriend ko na si Ivan" nakangiting ani ng Babae na nasaharapan ko at tinuro ang katabi niyang lalaki. "Ako naman si Drei, at siya Yuna. Magkaklase kaming apat" Nagpakilala narin kaming anim sa kanila. "Ang weird naman po na sa ganitong paraan tayo nagkakilalang lahat" ani ni Adriana. Nagkwento samin si Adriana kaya kahit papaano ay nawala sa isip namin ang kaguluhan na nangyayari sa labas. . . . . Shelly Pov. Nagising ako ng may narinig akong kalabog. Tumingin ako sa paligid at tulog pa ang mga kasama ko. Napatingin ako sa pintoan at napansin ko na may tumulak ng lamesa at pwede nang buksan ang pintoan. Dahan dahan akong tumayo at lumapit. 'Sino naman kaya ang gumawa nito?' Itutulak kona sana ulit ang lamesa nang bumukas ito at may pumasok na babae na duguan ang sleeves ng uniform niya. Nang tumingin siya sakin ay bigla siyang nagulat. "Adriana?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD