Shelly Pov.
"Adriana?" Nagtatakang ani ko.
"O-oh, A-Ate Shelly... Bakit gising kapa?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bukod sa sleeves niya na may dugo napansin korin na may talsik ng dugo ang shoes niya.
"Bakit ka lumabas? At saan ka galing? Bakit may dugo ang sleeves at shoes mo?"
"A-ah, ate. Kailangan kona kasing mag cr, hindi kona talaga mapigilan kaya lumabas ako."
'Mag cr? Pano siya naka iwas sa mga zombies na mag isa lang?'
"Pano ka nakalabas? Hindi kaba nakagat?" Ani ko at tumingin sa braso niya.
"Hindi po ate, may nakasalubong kasi ako na iilang zombies at napalaban ako. Matutulog napo ako" ngumiti siya sakin at humiga na ulit sa tinulogan niya kanina. Tinulak kona ulit ang lamesa at sinubukang matulog ulit.
.
.
.
.
"Goodmorning, Guys" ani ni Alice. Inayos ko ang buhok ko at tinali. Meron pa kaming tubig na natitira at kunting biscuit at yun ang pinagsaluhan namin for breakfast.
Pagkatapos naming kumain ay lumapit ako sa bintana at tumingin sa labas. Ganun parin, maraming zombies na nagkalat sa buong feild at mga Hallways.
"Hindi na aabot ang pagkain at tubig natin para mamayang tanghali." Ani ni Olivia.
"Liv, diba sa clinic may mga pagkain dun? Para sa mga pasyente? What if kumuha muna tayo dun before tayo umakyat sa Rooftop?" Ani ni Nika.
Nasa pinaka dulo ang Clinic, katabi lang ng Classroom namin. Kung iisipin, kakayanin naman naming kunin dun.
"Tama si Nika, kailangan rin natin ng makakain at maiinom. For sure, mag hihintay naman tayo ulit sa Rooftop." Dahil sa wala narin naman kaming choice ay pumayag na ang lahat. Ang apat na lalaki ang magbabantay at ang bahala sa mga zombies habang kami ay ang kukuha ng mga gamit sa clinic. Dahil sa naka plano na kami ay naghanda na kami.
Ang apat na lalaki ay hawak hawak na ang mga baseball bat. Meron rin kaming Baseball bat kung sakaling may makasalubong kami. Ma uuna silang lumabas at gagawa ng sheild para hindi sila makalapit samin. Naisipan namin gamitin ang iilang mesa na magaan lang para gawing sheild.
"Bilis, Mag ingat kayo" ani ni Alex. Tumakbo na kami papuntang dulo ng hallway. Umaatras rin sila Alex papunta samin habang humahampas sq mga zombies at nagtatago sa likod ng mga mesa. Nadaanan namin ang Classroom namin at nakita namin ang iilang nga Classmate namin na naging zombies na.
"Let's go guys.." ani ni Olivia. Nauna siyang pumasok sa clinic at nakita namin ang School nurse. Hinampas namin siya ng baseball bat hanggang siya ay mamatay.
"Bilisan niyo Girls!" Sigaw ni Alex. Lumapit kami sa isang malaking Cabinet gaya ng sinabi ni Nika ay mga mga pagkain nga dito. Nilagay namin sa bag ang mga biscuit, tinapay at mga tubig sa bag.
"Tara na.." kinuha ko ulit ang baseball bat sa mesa at lumabas na kami.
"Push Guys!" Lumapit kami at tumulong sa pag tulak.
Ramdam ko ang pag papawis ng gilid ng mukha ko at sa likod ko.
"Sige pa! Push!" Ani ko.
Malapit na kami sa Hagdanan. Nauna akong umakyat at pinaghahampas ang nga zombies na lumalapit sa amin.
"Akyat bilis!" Ani ko. Naunang umakyat sina Nika. Buong lakas nina Alex na itinulak ang pangharang namin kaya natumba ang mga zombies. Gumawa sila ng harang sa hagdanan kaya hindi na nakasunod ang mga zombies.
Sabay sabay kaming umakyat hanggang sa makarating na kami sa rooftop. Sinara ko ito agad at chineck kung naka lock na.
Napaupo kaming lahat habang hinihingal.
"Grabe, Hindi talaga sila napapagod.." ani ni Ivan. Magkatabi sila ngayon ng girlfriend niya na si Alice.
"Yung Cellphone Mike..." kinuha ni Mike ang phone sa bulsa niya at pinindot ang power button.
"5% nalang..." ani niya.
Binabaan namin ang brightness para maka save ng battery.
"Let's check again on f*******:, I think hindi na aabot yan hanggang mamaya." Ani ni Shelly.
Lumapit kaming lahat at tumingin sa cellphone. Pinuntahan namin ulit ang timeline ng post na nakita namin kahapon.
Pero wala na siyang latest na naipost. Scroll lang kami ng scroll pero pare pareho lang ang content. May mga videos na kumakalat at mga pictures.
Sinubukan namin ulit na tumawag sa police, emergency hotline pati sa Fire station at Hospital kung sakaling may makatutulong sa amin pero wala talagang sumasagot.
Umupo kami ulit sa sahig ng rooftop. Mabuti nalang at hindi gaano maiinit.
"What if guys, wala nang survivors sa labas? What if hindi rin tayo makaligtas dito? Magiging katulad narin ba tayo nila?" Ani ni Yuna na parang nawawalan na ng pag asa.
"Ano ba Yuna... wag ka nang magsalita ng ganyan... makakaligtas tayo dito.. Okay?" Ani ni Drei.
"Nung nalaman ko na may survivors pa pala bukod sa ating apat, Sobrang punong puno ako ng pag asa na makakaligtas tayo dito. Pero ngayon... kahit mga nakakatanda satin hindi tayo kayang iligtas. Tayo pa kaya na wala pang gaanong experience sa buhay?" Naiiyak na ani ni Yuna at pinahiran ang luha sa pisngi niya.
"Hindi tayo makakasurvive lalo na kung ganyan ka mag isip." Ani ni Shelly.
Sa totoo lang naiintindihan ko si Yuna. Noon kapag nanonood ako ng mga Movies lagi kong iniisip na wag sumuko ang mga characters, kaya nila yan, na ganito dapat gawin. Pero nang ako na mismo ang nasa sitwasyon na ganito ay sobrang nahihirapan ko kung ano ang dapat kong gawin.
Hindi korin mapigilan na mag isip kung makakaligtas paba kami dito. Pero sana nga....makaligtas kami dito.
Bumuntong hininga ako at nabalot kami ng katahimikan. Tumitingin kami sa sky baka sakaling may dumaan na helecopter. Umakyat kami sa Helepad para mas makita namin.