Paunang Salita
"Bakit nga ba ako sumulat?" Tanong ni Carlos sa kanyang sarili...
Ipinikit ko ang aking mga mata at sandali kong inisip kung para saan at bakit ako sumusulat. Bigla kong nakita ang mga ngiti ni Selya at ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit patuloy akong sumusulat sa kabila ng pagkaubos ng aking tinta at pagkapudpod ng aking panulat.
"Mahal kong Selya, nawa'y mahintay mo ako sa ating tagpuan. Magdadala ako ng paborito mong bulaklak. Alam mo ba? Hindi na ako makapaghintay na makita kang muli kaya sana sa oras na mahagkan muli kita madama mo kung gaano talaga kita minamahal. Hanggang dito nalang, nagmamahal, Carlos."
Ang kuwentong ito ay tungkol sa lalaking handang isakripisyo ang lahat para lamang sa kanyang minamahal — Handa nyang isakripisyo, ang kanyang buhay at pangarap kahit na maubos pa ang oras na natitira sa kanya. Kapalit ng pag-ibig ang buong buhay na kayang ialay ng isang tao. Ang pagmamahal ay nasusukat sa kayang iparamdam, ito ma’y hindi sigurado.
Patuloy syang maghihintay sa babae sa kanilang napagkasunduang tagpuan. Uminit, umulan, ngunit hindi dumating ang babae. Hanggang sa unti-unting nalagas ang mga dahon sa puno kasabay nito ang pagkamatay ng kanyang pag-asa na muli nyang makikita ang kanyang iniibig...