Chapter 57: Lukso ng Dugo MABILIS na lumipas ang buong araw. Nasa harap na naman sila ng hawla na kung saan may mga maglalaban-laban. Naghihintay nalang ang lahat na tawagin ang unang maglalaban para masimula na iyon. May sayang naramdaman si Margaux nang makita ang isang binatilyo na pumasok sa hawla nang tawagin ito ng announcer na si Regos. Iwan ba niya, ang gaan lang talaga ng kanyang loob. “Isa na namang athapos. Mukhang kakaiba talaga ang mga nilalang na naninirahan sa taga-lupa dahil hindi ko magawang maramdan ang kanilang kapangyarihan.” “Bakit naman?” hindi iyon napapansin ni Margaux kasi hindi naman kapangyarihan ang tinitingnan niya sa isang nilalang kundi ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. “Nakausap ko si Rios at Pyro. Ang sabi nila at hindi nila alam, nagtataka nga rin s

