Chapter 58: Lakas ng Kapangyarihan 1 HINIHINTAY nalang ng iba si Lunos dahil kasalukuyan pa itong may ginagawa sa loob ng kastilyo. Marami itong mga pabilin habang wala siya at sinigurado talaga ng lalaki na walang manggugulo sa mundo ng mga bampira. Maya-maya pa’y lumabas na ito ng kastilyo kasama ang mga matagal nang alagad nito. Lumapit si Lunos kay Margaux at humalik ito sa kanyang labi. Kanya nalang itong pinagbigyan kasi aalis at matagal na mawawala. “Mag-iingat ka sa iyong pag-alis.” “Maraming salamat, mahal ko. Ibinilin na kita kay Rios. Siya na ang bahala saiyo habang wala ako dito,” ani Lunos. Tumango lang si Margaux bilang pagsang-ayon. Tumalikod na si Lunos pati ang mga kasama nito at isa-isa na silang naglaho. Nanatili na muna ng ilang sandali roon si Margaux. Ngunit puma

